Balita

Blue Eagles, bantang magwalis sa UAAP

-

TULOY ang pagsapas ng Ateneo Blue Eagles tungo sa tugatog ng tagumpay.

Nadagit ng Katipunan-based cagers ang ikaanim na sunod na panalo nang patahimiki­n ang National University Bulldogs, 9683, nitong Sabado para manatiling solo sa liderato ng UAAP Season 80 sa Smart Araneta Coliseum.

Kumawala ang Blue Eagles mula sa dikitang labanan sa kalagitnaa­n ng final period kung saan nakuha nila ang 85-73 bentahe mula sa floater ni Mike Nieto.

Nabuhayan nang bahagya ang pag- asa ng Bulldogs nang magawang makadikit sa 85- 78 mula sa magkakasun­od na puntos, tampok ang dunk mula sa fast break play ni Issa Gaye may 2: 46 ang nalalabi sa laro. Ngunit, hindi na sila nakaporma nang isalpak ni Thirdy Ravena ang three pointer tungo sa huling dalawang minuto ng laro.

Tangan ang Ateneo ang matikas na 6-0 karta at kumpiyansa sa nalalapit na pakikipagt­uos sa mahigpit na karibal na La Salle sa susunod na linggo.

Bagsak ang National University sa tatlong sunod na kabiguan para sa 2-4 karta.

“NU’s a tough team. We played at their pace which is an up and down game, it’s a good thing we executed well offensivel­y but we need to pick up our defense,” pahayag ni Ateneo assistant coach Sandy Arespacoch­aga.

“It’s a good thing in the fourth quarter we picked it up and played better defense. In the fourth, Alejandro was limited to just three points,” aniya.

Napabilib din ang marami sa performanc­e ni big man Chibueze Ikeh na kumubra ng 18 puntos, tampok ang dalawang three pointers, 11 rebounds at dalawang blocked shots, patunay na hindi lamang ang karibal niyang si Ben Mbala ng La Salle ang may pambala sa raibow territory.

Nag-ambag si Vince Tolentino ng 15 puntos para sa Ataneo.

“We weren’t really surprised with them because of all the shots that they got came from within our offense. They defended us well from downtown so we attacked on the inside,” pahayag ni Arespacoch­aga.

Humugot din ng tig-12 puntos ang kambal na sina Matt at Mike Nieto para sa Blue Eagles.

Nanguna si Jay Alejandro sa Bulldogs sa natipang 24 puntos, habang kumana sina Enzo Joson ng 14 puntos at pitong assist, gayundins Issa Gaye na may 14 puntos at walong rebounds. Iskor: Ateneo (96) – Ikeh 18, Tolentino 15, Nieto Ma. 12, Nieto Mi. 12, Verano 9, Ravena 8, Asistio 7, Go 4, Black 4, Mendoza 3, White 2, Mamuyac 1, Mallillin 1, Andrade 0, Tio 0.

NU (83) – Alejandro 24, Joson 14, Gaye 14, Rangel 7, Mosqueda 6, Bartlett 4, Morido 4, Yu 4, Salem 3, Tibayan 3, Aquino 0, Diputado 0, Abatayo 0, Cauilan 0.

Quartersco­res: 21-25; 47-43; 7165; 96-83.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines