Balita

Arellano spikers, papalo sa PVL Final Four

- Marivic Awitan

Mga laro ngayon (Fil Oil Flying V Center) 8 n.u. -- FEU vs San Beda (men’s) 10 n.u. NU vs St. Benilde (men’s) 4 n.u. -- Lyceum vs FEU (women’s) 6:30 n.g. -- San Beda vs Adamson (women’s)

NILIMITAHA­N ng Arellano University sa tatlong puntos ang University of the Philippine­s sa fifth set upang maitakas ang dikitang laban sa 22-25, 25-10, 25-19, 32-34, 15-3 desisyon at angkinin ang ikalawang semifinal berth sa Group B ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference nitong Sabado sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Bumalikwas ang Lady Chiefs mula sa dikit na pagkabigo sa fourth set nang dominahin ang final frame kasunod ng pagkawala ng isa sa mga pangunahin­g hitters ng Lady Maroons na si Justine Dorog na nagtamo ng injury sa tuhod sa fourth set.

Dahil sa panalo, sinamahan ng Arellano sa semifinals ang Adamson taglay ang parehong 4-1 karta.

Isinara naman ng Lady Maroons ang kanilang kampanya na may 3-2 marka.

“We actually had a good preparatio­n against UP. We made some adjustment­s after that loss to Adamson,” pahayag ni Arellano coach Obet Javier na nakakuha ng 26 hits mula kayJoviely­n Prado at 25- puntos naman mula kay Regine Arocha.

Nauwi naman sa wala ang game high 29-puntos ni Diana Carlos na sinundan ng 20-puntos ni Isa Molde dahil bigo silang ipanalo ang UP.

Samantala sa huling Laro, ganap na winalis ng National University ang kanilang eliminatio­n round assignment­s sa pamamagita­n ng 25-21, 13-25, 25-19,2522 paggapi sa Ateneo upang maangkin ang unang semifinals slot sa Group A.

Dahil sa kabiguan, natapos ang eliminatio­n round campaign ng Lady Eagles sa markang 3- 2 at posibleng mapatalsik sa kontensiyo­n kapag nanalo ang Far Eastern University (3-1) kontra Lyceum sa pagtatapos ng eliminatio­ns.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines