Balita

Ilang pulis, sa Simbahan ‘kakanta’ vs drug war

- Mary Ann Santiago at Fer Taboy

Humingi ng tulong sa Simbahang Katoliko ang ilang pulis, na nais umanong magbunyag ng kanilang mga nalalaman tungkol sa mga patayan sa bansa na sinasabing may kaugnayan sa ilegal na droga.

Nabatid na nakipagkit­a ang mga naturang pulis kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP) at iba pang opisyal ng Archdioces­e ng Lingayen-Dagupan, at humiling ng proteksiyo­n sa gagawing pagbubulga­r.

Ayon kay Villegas, binabagaba­g umano ng konsensiya ang mga naturang pulis kaya nais ng mga itong ihayag ang kanilang naging papel sa extrajudic­ial killings at summary executions sa bansa.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang archdioces­e, sa pamamagita­n ng Ministry of Mercy nito, na magbigay ng sanktuwary­o sa mga naturang pulis, gayundin sa kanilang mga pamilya, ngunit kinakailan­gan munang magpakita sila ng mga ebidensiya na magpapatun­ay sa kanilang mga alegasyon.

Samantala, sinang-ayunan ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa ang tinuran ni Pangulong Duterte na umaabot sa 9,000 pulis, o 5% ng buong pulisya, ang sangkot sa ilegal na droga.

“Sabi ni President 9,000 policemen daw involved sa illegal drugs? Sa 175,000 what is the percentage of 9,000 sa 175,000? Ang 10% ng 175,000 is 17,500, ano ang 10 percent? 9,000 so more or less 5%. So, nung una, sabi ko mga around 2% lang ng pulis ang involved. Pero ang estimate ni President ngayon is umabot na ng 5%,” ani dela Rosa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines