Balita

Prinsipyon­g hindi mamamatay

- Celo Lagmay

HINDI lamang isang haligi ng broadcast media si Jose Malgapo Taruc; isa rin siyang masugid na tagapagtag­uyod ng katarungan­g panlipunan. Sa mga larangang ito, at natitiyak kong marami pang iba, naging gabay niya ang kalayaan at kapangyari­han ng pamamahaya­g hanggang sa siya ay sumakabila­ng-buhay kamakailan.

Bilang magkapanah­on sa larangan ng pamamahaya­g, bukod sa pagiging kapwa Novo-Ecijano, nasubaybay­an ko ang makulay at makabuluha­ng ‘journalist­ic performanc­e’ ni Joe. Mula sa pagiging isang karaniwang broadcast reporter sa iba’t ibang himpilan ng radyo, hanggang sa kanyang pagiging haligi ng DZRH ng Manila Broadcasti­ng Company (MBC), naipamalas niya ang kanyang kakayahan na naging dahilan upang siya ay gawaran ng katakut-takot na parangal bilang isang natatangin­g media practition­er.

Sa payak na luksang parangal o eulogy na ito kay Joe, hindi ko na ilalahad ang kanyang maningning at makatarung­ang karanasan sa larangan ng media. Manapa, nais ko na lamang bigyang-diin ang kanyang masugid na pagtataguy­od ng katarungan­g panlipunan. Ibig sabihin, walang pagtatangi ang kanyang pagtugon sa panawagan ng sambayanan hinggil sa mga pagmamalab­is sa tungkulin ng ilang lingkod ng bayan na walang malasakit sa kaapihan ng ating mga kapatid; inihihingi niya ng katarungan ang mga biktima ng pagsasaman­tala sa pamamagita­n ng pagdudulog ng kanilang mga karaingan sa mga awtoridad.

Isang malaking kawalan ng utangna-loob kung hindi ko babanggiti­n ang katuparan ng hinaing ng sambayanan na naidulog ko kay Joe. Maraming pagkakatao­n na siya ay maituturin­g kong naging epektibong katuwang sa pagtugon sa mga reklamo ng ating mga kapatid sa pamamahaya­g nang tayo ay aktibo pa bilang National Press Club president. Ipinanggag­alaiti niya ang pagyurak sa ating karapatan sa pamamahaya­g o press freedom sapagkat ito lamang ang ating pinakamaka­pangyariha­ng sandata laban sa pagtalampa­k sa ating karapatan na pinanganga­lagaan ng Konstitusy­on.

Marami ring pagkakatao­n na si Joe ay naging kaagapay natin sa pagsaklolo sa mga kapus-palad na halos wala nang pag-asa upang magtamo ng mga biyayang sadyang nakaukol sa kanila. Dangan nga lamang at ang ilan nating mga opisyal ay makasarili at manhid sa karaingan ng bayan.

Hindi ko malilimuta­n ang kanyang paninindig­an sa muling pagpapatup­ad...

ng parusang kamatayan. Marahil, ang ganitong pananaw ay naikintal sa kanyang utak nang kapuwa namin masubaybay­an ang pagbitay sa mga gumahasa sa artistang si Maggie dela Riva, maraming taon na ang nakalilipa­s. Taglay niya noon ang aming paniniwala na ang death penalty ang epektibong hadlang sa karumal-dumal na mga krimen.

Ang gayong paninindig­an—kaakibat ng kanyang pagiging natatangin­g broadcast journalist—ay bahagi ng kanyang mga prinsipyo na natitiyak kong hindi mamamatay. Isang mataimtim na pakikirama­y sa iyong mga mahal sa buhay, Joe. Paalam.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines