Balita

Zac 8:20-23 ● Slm 87 ● Lc 9:51-56

-

Nang papalapit na ang panahon ng pag-aakyat sa kanya, tahasang ipinasya ni Jesus na pumunta sa Jerusalem. Nagpadala siya ng mga sugo para mauna sa kanya at ihanda ang kanyang matutuluya­n, at pumasok sila sa nayon ng mga Samaritano. Pero ayaw nila siyang tanggapin dahil papunta siya sa Jerusalem. Kaya sinabi sa kanya ng kanyang mga alagad na sina Jaime at Juan: “Panginoon, gusto mo bang tumawag kami ng apoy na babagsak mula sa Langit para puksain sila?” Lumingon si Jesus at pinagwikaa­n sila, at sa ibang bayan sila nagpunta.

PAGSASADIW­A:

Panginoon, gusto mo bang tumawag kami ng apoy na babagsak mula sa Langit para puksain sila?— Malayo sa isip ng magkapatid na Jaime at Juan ang tunay na dahilan ng pagparito ni Jesus. Naparito ang Panginoong Jesus, hindi upang magpahamak kundi ang magligtas. Mabuti na lamang at ang Diyos ay hindi naging mapusok katulad ng tao. Dahil kung nagkagayon at sumang- ayon si Jesus sa iminumungk­ahi ng dalawang alagad, tiyak na marami ang tuluyang napahamak dahil lamang sa hindi sila tinanggap ng mga Samaritano sa lugar na nais sana nilang daanan. Hindi ipinahintu­lot ni Jesus ang pagpuksang hiningi ng magkapatid na alagad sapagkat hindi ito naaayon sa layunin ng kanyang pagparito sa mundo.

Hindi kailanman mapapawi ng galit o paghihigan­ti ang laganap na kasamaan. Lalo lamang nitong palalawaki­n ang hangganan ng kasamaan sa mundo. Ang karahasan ay nagbubunga ng karahasan. Ang galit ay hindi mapapawi kung galit din ang isusukli. Kung ang apoy ay pinapawi ng tubig, ang galit ay maaaring mapawi ng pag-unawa at pag-ibig.

“SIMBAHAY 2017” ST. PAULS Philippine­s, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 8959701; FAX: 895-7328; Email: books@stpauls.ph; Website: http://www.stpauls.ph.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines