Balita

NU spikers, umusad sa PVL Final Four

-

NAISALBA ng National University ang matikas na laban kontra College of St. Benilde, 25-27, 29-27, 25-19, 16- 25, 15- 11, kahapon para makopo ang ikaapat at huling puwesto sa Final Four sa men’s division ng Premier Volleyball League ( PVL) Collegiate League sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Tinapos ng Bulldogs ang eliminatio­n round na may 4-3 karta at sasabak na No.3 seed sa best- of- three semi- finals kontra Far Eastern University.

Nanguna ang walang talong Ateneo de Manila University (7-0) at haharapin ang No. 4 University of Sto. Tomas ( 4- 3) sa hiwalay na semis pairing.

Kumubra si Francis Saura sa NU sa naiskor na 20 puntos, tampok ang 17 attacks, dalawang aces at isang block.

Bumida sa Bulldogs sina Kim Malabunga na may 17 puntos, Madzlan Gampong na may 12 puntos, habang kumubra sina Bryan Bagunas at Berhashidi­n Daymil ng tig10 puntos.

Nakadidism­aya ang kampanya ng NCAA champion College of St. benilde na napatalsik na may 0-7 karta.

Naitala naman ng San Beda College ang makapigilh­iningang panalo kontra FEU, 29-27, 15-25, 25-20, 22-25, 15-7, para sa ikatlong panalo sa pitong laro.

Hataw si Mark Enciso sa naiskor na 16 puntos, habang nag- ambag sina Jomaru Amagan at Limuel Patenio na may tig-12 puntos. Naputol ang five-game winning streak ng Tamaraws para bumagsak sa 5-2.

Magsisimul­a ang semi-fnal duel sa Miyerkules.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines