Balita

Rayver, ginagaling­an ang panliligaw kay Janine

- Ni NITZ MIRALLES

SA rami ng photos nina Rayver Cruz at Janine Gutierrez na kuha sa Star Magic Ball, itong picture ng dalawa na magkayakap ang favorite ng kanilang fans. Lalo pang kinilig ang JanVer fans sa caption ni Rayver sa picture na, “Thank you for making my Star Magic Ball extra memorable and special.”

May mga nag-aakalang dahil sa pagpayag ni Janine na maging ka-date ni Rayver sa Star Magic Ball 2017, ang ibig daw sabihin nito, couple na sila. Pero sabi ni Rayver, dating pa rin ang status nila ni Janine, kaya mas ginagaling­an pa niya lalo ang panliligaw dito.

Kinumpirma ito ng isang source, hindi pa raw sinasagot ni Janine si Rayver, pero ang feeling niya ay papunta rin sa pagiging couple ang “dating” status ng dalawa ngayon. Hintayin na lang daw natin ang pagdating ng araw na ‘yun.

Anyway, nakita sina Rayver at Janine sa NAIA Terminal 3 after ng Star Magic Ball, palipad sila tungong Bali, Indonesia at may kasunod na pictures na magkasama na sila roon. Ibig sabihin, bumalik sa Indonesia si Janine at kasama na niya si Rayver.

Samantala, si Leo Dominguez na ang manager ni Janine, hindi nga lang malinaw kung solo nang ima-manage ni Leo si Janine o co-manager niya ang GMA Artist Center. Ang nadinig namin, ire-renew ng GMAAC ang kontrata ni Janine and in fact, inaayos na ang kontrata niya.

Si Leo ang napili ni Janine na maging manager dahil gusto raw ng dalaga ang career path nina Lovi Poe at Solenn Heussaff, dalawa sa talents ni Leo. Kabilang din sa stable of stars ni Leo si Rodjun Cruz na kapatid ni Rayver.

 ??  ??
 ??  ?? Janine at Rayver
Janine at Rayver

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines