Balita

20 patay, 100 sugatan sa Las Vegas shooting

-

LAS VEGAS (AP/REUTERS) – Dalawampun­g katao ang namatay at mahigit 100 iba pa ang nasugatan sa pamamamari­l sa isang music festival sa Las Vegas Strip nitong Linggo, bago napatay ng mga pulis ang gunman.

Inilarawan ng pulisya ang suspek na isang lalaking tubong Las Vegas na mag-isang kumilos at pinaniniwa­laang walang kaugnayan sa anumang militanten­g grupo, sinabi ni Clark County Sheriff Joseph Lombardo sa mamamahaya­g.

“We have no idea what his belief system was,” aniya. “Right now, we believe he was the sole aggressor and the scene is static.”

Pinaghahan­ap ng mga awtoridad ang isang babae na nagngangal­ang Marilou Danley, aniya. Wala siyang ibinigay na detalye kung ito ay sangkot sa pag-atake ngunit inilarawan na isa itong “associate”.

Ilan dosenang patrol vehicles ang rumesponde sa Strip matapos makatangga­p ang mga awtoridad ng mga ulat ng isang active shooter malapit sa Route 91 Harvest Festival. Kalaunan ay sinabi ng Las Vegas police na naitumba na ang isang suspek ngunit hindi nagbigay ng iba pang detalye.

Sinabi ng concert-goers nakita nilang nagkikisla­pan ang mga dulo ng baril mula sa 32nd floor ng Mandalay Bay Hotel and Casino sa tawid ng Las Vegas Boulevard mula sa country music festival at narinig ang tunog ng inilarawan nilang automatic gun fire.

Ayon sa mga saksi, nakita nila ang maraming biktima habang tumatakbo sa umuulang bala sa concert venue. Nagsiksika­n ang ilan sa basement ng katabing Tropicana hotel-casino.

Ilang opisyal ang nagtago sa likod ng kanilang mga sasakyan habang ang iba na may dalawang assault rifles ay tumakbo sa Mandalay Bay Hotel and Casino.

Isinara ng mga awtoridad ang bahagi ng Las Vegas Strip at Interstate 15.

Ayon sa mga saksi, nagtatangh­al ang country singer na si Jason Aldean sa pagtatapos ng konsiyerto nang magsimula ang pamamaril.

 ?? AFP/ David Becker/Getty Images ?? HORRIFIC! Nagtatakbu­han ang mga tao mula sa Route 91 Harvest country music festival matapos marinig ang mga putok ng baril nitong Oktubre 1, 2017 sa Las Vegas, Nevada.
AFP/ David Becker/Getty Images HORRIFIC! Nagtatakbu­han ang mga tao mula sa Route 91 Harvest country music festival matapos marinig ang mga putok ng baril nitong Oktubre 1, 2017 sa Las Vegas, Nevada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines