Balita

Interpol bilib sa drug war—Bato

- Ni Aaron B. Recuenco

Hinahangaa­n ng mga hepe ng pulisya sa buong mundo ang kampanya ng gobyerno ng Pilipinas kontra droga, at sa katunayan ay nais ng mga itong gayahin ang drug war para sa kanikanila­ng mga bansa.

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na sinabi ng mga counterpar­t niya sa Internatio­nal Police (Interpol) meeting ang paghanga ng mga ito sa drug war sa Pilipinas.

“They admire us, the Interpol. All the police forces in the world, they admire the way we do it (anti-drugs war),” ani dela Rosa sa panayam.

Nakasalamu­ha ni Dela Rosa ang kanyang mga kapwa hepe ng pambansang pulisya sa apat na araw na pagpupulon­g sa Beijing, China.

“They like it because they said the problem of illegal drugs is not only in the Philippine­s, it is all over the world,” lahad ni dela Rosa. “They want to copy it, but they are having difficulty.”

Isa sa mga interesado na gayahin ang anti-drugs war sa Pilipinas, ayon kay dela Rosa, ay ang chief of police ng Indonesia.

Ilang buwan nang umaani ng batikos ang drug war ng Pilipinas mula sa iba’t ibang lokal at pandaigdig­ang grupo, at maging mga bansa, dahil sa umano’y pagiging brutal nito, na nakatuon lamang umano sa mahihirap.

Ayon sa pinakabago­ng datos, mahigit 3,800 hinihinala­ng tulak at adik ang napatay mula nang simulan ang drug war noong Hulyo 2016.

Batay sa datos ng PNP, mahigit 15,000 pagpatay ang naitala simula noong Hulyo nang nakaraang taon ngunit kakaunti lamang sa mga ito ang kumpirmado­ng may kinalaman sa ilegal na droga.

 ?? ALI VICOY ?? MAGPAKATIN­O KAYONG LAHAT! Hinarap ni PNP Chief Director Gen. Ronald dela Rosa ang 1,024 na pulis-Caloocan na sasailalim sa re-training at re-orientatio­n program ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kahapon, matapos na masibak sa puwesto kasunod...
ALI VICOY MAGPAKATIN­O KAYONG LAHAT! Hinarap ni PNP Chief Director Gen. Ronald dela Rosa ang 1,024 na pulis-Caloocan na sasailalim sa re-training at re-orientatio­n program ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kahapon, matapos na masibak sa puwesto kasunod...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines