Balita

Online closure ng bank account ni Trillanes dapat beripikahi­n

- Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ng Malacañang kahapon na kailangan ding berepikahi­n ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isinara ni Senador Antonio Trillanes IV ang isang offshore bank account nito sa pamamagita­n ng online.

Ito ay matapos sabihin ng Developmen­t Bank of Singapore, Ltd. (DBS Bank) na hindi maaaring isagawa online ang pagsasara ng mga account, taliwas sa mga pahayag ni Duterte na isinara ni Trillanes ang kanyang account sa DBS-Alexandria noong gabi ng Setyembre 8.

Ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella, kailangang parehong berepikahi­n ang pahayag ni Duterte at ng DBS Bank upang maliwanaga­n ang tunay na istorya.

“All of these things have to be verified clearly. The President claims that it was done that way, so let’s make sure--and then there’s another party that says it’s not. So both aspects need to be verified,” ani Abella sa Mindanao Hour/Bangon Marawi press briefing sa Malacañang kahapon.

Ibinunyag ni Duterte nitong Biyernes na isinara ni Trillanes ang nasabing bank account noong Setyembre 8 bago maglabas ang senador ng bank secrecy waiver at bago siya magtungo sa Singapore para pasinungal­ingan ang mga alegasyon ng Pangulo.

“He terminated it online on September 8, 2017 past 10 p.m. then left for Singapore after that to show his waiver to the bank teller doon sa Singapore na wala siyang account,” ani Duterte sa PTV-4.

Idinagdag ni Duterte na matapos isara ang nasabing bank account, inilipat ang tinatayang 200,000 Singapore dollars sa isang Fabian Go.

Bunsod ng mga pahayag ng Pangulo, inulan ng mga katanungan ang official Twitter account ng multinatio­nal banking corporatio­n ng Singapore kung posible nga bang magsara ng bank account sa pamamagita­n ng online transactio­n.

Sinagot ng DBS Bank ang dalawang Twitter user na: ‘No.’

Ipinaliwan­ag pa ng bangko na kailangang personal na isara ng holder ang kanyang account sa home branch ng account o sa pamamagita­n ng pagsumite ng materyales ng closure authorizat­ion form.

Tinawag ni Trillanes na pawang “imbento” ang mga akusasyon ng Pangulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines