Balita

Bus nahulog sa Alabang flyover, 26 sugatan

- Ni BELLA GAMOTEA

Nasa 26 na pasahero ang nasugatan makaraang mawalan umano ng preno ang sinasakyan nilang pampasaher­ong bus at mahulog sa Alabang flyover sa Muntinlupa City, nitong Linggo ng gabi.

Kaagad na dinala sa magkakahiw­alay na pagamutan sina Allan Ansay, 38; Elma Guintaran, 40; Lyka Rivad,14; Estrilita Rivad, 60; Juanito Rivad, 59; Mildred Raquino, 47; Cesar Ramos, 49; Francis Sisro, 29; Matthew Katigbak,12; Lizer Maravilla, 25; Joana Maranan, 30 anyos.

Sugatan din sa aksidente sina Krizelyn De Torres, 22; Ryansar Rosales; Trinity Rosales; Tracey Rosales; Jose Edward Elipio; Adriano Leonora; Sylvester Yulo; Mafferson Baet; Rogelio Gain; Rejunboy Ciralbo; Jesel Lirrutia; Anabel Rusia; Marrieta Soriano; Rosita Crespo; at Angelo Bane.

Nasa kustodiya naman ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNPHPG) at iniimbesti­gahan ang driver ng Cher Transport bus (TYB-504) na si Corpuz Jerodeo y Subalng, 36, may asawa, ng Camia Street, Meycauayan, Bulacan.

Sa ulat na ipinaratin­g sa Southern Police District (SPD), bandang 6: 40 ng gabi nang nangyari ang aksidente sa South Luzon Expressway (SLEX) sa may Alabang Flyover.

Sa pagsisiyas­at ni PO1 Al Anthony Lacandazo, ng HPG, binabaybay ng bus ang SLEX pahilaga nang pagsapit sa Alabang flyover ay bigla umanong nawalan ng preno ang sasakyan at tinangka ni Jerodeo na pahintuin ito.

Ibinangga umano ni Jerodeo ang bus sa isang side gutter ng flyover, subalit lalong hindi niya nakontrol ang manibela hanggang bumulusok ang bus mula sa anim na talampakan ang taas na flyover.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines