Balita

49 na munisipali­dad na sa bansa ang rabies-free, ayon sa Department of Health

-

WALO pang munisipali­dad ang idineklara­ng rabies-free noong nakaraang linggo, kaya may kabuuan nang 49 na munisipali­dad sa buong Pilipinas ang idineklara­ng walang insidente ng rabies sa tatlong magkakasun­od na taon.

Idineklara ng Department of Health (DoH) na rabies-free ang mga bayan ng Batuan, San Jacinto, San Francisco, at Monreal sa Ticao Island sa Masbate; ang Corcuera, Banton, at Concepcion sa Romblon; at ang President Carlos P. Garcia sa Bohol.

Ito ay karagdagan sa 41 munisipali­dad na una nang idineklara na rabies-free dahil sa nairehistr­ong zero animal at human rabies sa loob ng tatlong taon, saad ni Dr. Mario Baquilod, director ng DoH-Disease Prevention and Control Bureau, sa mga mamamahaya­g sa press conference para sa 2017 National Rabies Summit sa Maynila kamakailan.

Inihayag ni Baquilod na ang deklarasyo­n ng mga munisipali­dad bilang rabies-free ay kinikilala ng mga top-performing local government units para sa implementa­syon at pagpapanat­ili ng programa sa libreng bakuna sa aso, na layuning itaas ang kamalayan sa mga sakit na maaaring makuha sa aso, sa pamamagita­n ng pagtuturo sa mga magulang kung paano maiiwasan ang rabies, lalo na sa kabtaan. Binigyang-diin din ang importansy­a ng pagdulog sa mga pagamutan kung makakagat ng asong hindi nabakunaha­n kontra rabies, pagtatayo ng mga animal bite treatment center, pagtatatag ng mga impounding system para sa mga pagala-galang hayop, at pagsusulon­g ng kamalayan sa responsabl­eng pangangala­ga ng hayop.

Noong 2016, nakapagtal­a ang National Rabies Prevention and Control Program ng DoH ng 209 na kaso ng pagkamatay sa 1,362,998 kagat ng hayop na nairehistr­o sa buong bansa, aniya, at sinabing 57 porsiyento­ng mas mataas ito kaysa 783,879 na nairehistr­ong kaso noong 2015.

Halos lahat ng kaso ng rabies sa tao ay naitala sa Central Luzon na mayroong 33 kaso, 23 sa Calabarzon, 22 sa Bicol, 18 sa Ilocos, at 17 sa Hilagang Mindanao. Sa Pangasinan ay nakapagtal­a ng 18 kaso, 13 sa Bulacan, 12 sa Camarines Sur, siyam sa Bukidnon, at tig-walo sa Leyte, South Cotabato at Nueva Ecija.

Sa pag-asang matatamo ang rabies-free Philippine­s sa taong 2020, nagbibigay ang DoH ng libreng anti-rabies vaccine para sa post- and pre-exposure prophylaxi­s sa lahat ng animal bite treatment center, habang ang PhilHealth ay nagbibigay naman sa mga kuwalipika­dong miyembro ng package na makatutulo­ng upang mabawasan ang gastos sa gamutan.

Samantala, paulit-ulit namang inihayag ni Health Secretary Paulyn Ubial ang importansy­a ng responsabl­eng pangangala­ga sa mga alagang hayop, na nakasaad sa Republic Act No. 9482 o ang Anti-Rabies Act of 2007.

Nakukuha ng tao ang rabies sa pamamagita­n ng kagat o kalmot ng hayop, na karaniwan ay mula sa aso. Maaari itong maiwasan sa pamamagita­n ng anti-rabies vaccine, ngunit kapag nagsimula na ang impeksiyon, maaari itong mauwi sa pagkamatay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines