Balita

Sharon deserves better treatment

- Ni NOEL D. FERRER

MUKHANG lipas na ang sinabing pagmamarak­ulyo ng megastar sa non o late invitation sa kanya sa Star Magic Ball.

Naglabasan na lahat ng coverage at dumalo ang ibang stars na hindi mo aakalaing nandoon din kahit walang kinalaman sa Star Magic kaya pinag- uusapan pa rin kung paano nakaligtaa­n ang megastar.

Sabihin mang noong mga nakaraang taon ay nabibigyan naman siya ng imbitasyon pero hindi naman nakakadalo, meron ding mga ganoon ang sitwasyon at tanda lang ‘yun ng pagpapahal­aga.

Ang isang lumutang na dahilan ay baka hindi nila alam kung saan ipapadala ang “last minute” invitation dahil diumano’y nag-iba ng address ang megastar from Wack Wack to Laguna to Alabang, eh, bakit naman ang study materials niya sa The Voice at sa ibang ABS- CBN events ay nakakaabot sa kanya at bakit tila “nawala” sa hulog itong imbitasyon na ito?

Kahit ako mismo ay nasaktan nang mabasa ko ang mga komento tungkol kay Sharon, kaya naging vocal ako sa naging saloobin ko rito.

KAHIT KONTING PAGTINGIN... RESPETO

Masakit mabasa sa diyaryo at sa social media ang reaksiyon sa megastar ngayon - halimbawa - “Sharon sobra ang tampororot sa Star Magic Ball, pathetic, laos na at nagpapapan­sin.” (Maaaring napakabuka­s at tapat siyang maghayag sa social media pero aminin natin, meron pang mas matitindin­g naglalabas ng hinaing nang walang batayan kaysa sa kanya.)

Sana’y sikapin nating unawain ang pinagdadaa­nan ng kapwa natin bago tayo manghusga at makasakit ng loob. Ang mainam na matutunan sa pangyayari­ng ito ay ang pagpapahal­aga at pagtanaw ng kabutihan. Simpleng kahilingan lang naman ito lalo na sa tulad ni Sharon Cuneta na nag- alay ng kanyang buhay sa sining upang magbigay inspirasyo­n, magturo at magpaligay­a sa ating lahat. Ang respeto ay kakambal ng utang na loob.

Napakahira­p bang maging mabuti sa taong mahal tayo?

Siguradong maraming natutuhan si Sharon sa nangyayari­ng ito sa kanyang buhay, lalo na ang paggamit ng social media na ibang mundo talaga.

Pero tayong mga netizens din, sana hindi natin makalimuta­n ang kabutihang loob sa panahon ng trolls at fake news.

 ??  ?? Sharon
Sharon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines