Balita

Vivo Ouano, wala pa ring talent manager

- --Reggee Bonoan

SINADYA naming itanong kay Vivo Ouano pagkatapos ng presscon ng sex-comedy play na Solo Para Adultos (For Adults Only) ng Red Lantern Production­s ang nasulat na ayaw niyang magkaroon ng talent manager lalo na kung bading dahil gusto siyang gawing boyfriend o dyowain.

Hindi naging maganda ang dating nito sa lahat ng gay talent managers, lumalabas nga naman na hinusgahan na sila kaagad ng aktor na produkto ng Starstruck Season 3 ng GMA-7.

Sabi ng kilalang gay talent manager, “Nakakasaki­t siya, ha? Bakit, gaano ba siya kaguwapo para nasabi niya ‘yun? Nasa talent naman ‘yun kung papayag siya, sana hindi niya nilalahat kasi nakakaoffe­nd ‘ yun. Good thing wala akong naging dyowang talent ko kasi ayaw ko para hindi masira ang relasyon namin.”

“Namali lang po ang sinabi ko,” paliwanag ni Vivo, “hindi lang nagkaintin­dihan.”

Marami pala kasing nagprisint­ang maging manager niya at ang kapalit sa pagsikat ay maging boyfriend siya.

“Matagal na ‘yun, bago pa lang ako no’n, teen pa ako no’n, Starstruck days pa,” aniya.

Dahil nga sa nangyaring iyon, hindi na nagkaroon ng managerer si Vivo hanggang ngayon.

“Wala namang naging aging trauma, kung baga gusto kongg sumikat sa kakayanan ko, gusto ko kukunin nila ako kasi kaya ko. Hindi ko ipipilit kung ayaw nila a sa akin, ‘yun sana ang gusto kong iparating,” paliwanag ng isa sa a cast ng Solo Para Adultos. Paano siya ya nagkakaroo­n ng projects,cts, tulad ng Wildflower sa ABS- CBN at itong ng sex- comedy play ay (mapapanood sa Musicic Museum sa October 20, 0, 8PM) kung wala siyang ng manager?

“Nag-o-audition ako kapag nababalita­an ko, tina-try ko tulad sa ABS (-CBN), first ko sa Langitangi­t at Lupa (2016), nag-audition,” saad ng aktor.

Aniya, magaling mag- handle ng talents ang ABS-CBN dahil matututo sa lahat ng bagay.

Itinanong din namin ang balitang nakulong siya dahil sa droga noong 2011.

“Do’n ako naglie-low, nawala ako. Dismiss ang kaso, nadamay lang ako. ‘Yun nga lang talagang natagalan ang proseso. Tatlong buwan din akong nakulong sa Crame, wala akong record kasi dismiss, eh. ‘Pag dismiss walang record, wala lahat,” kuwento ni Vivo. Paano siya nadamay? “’Yung isa lang kasi ang hinahanap nila roon, ‘yung bahay ang may-ari, friend ko talaga, marami kaming nadamay lang. ‘Yung kaibigan kong dinala ko ro’n para mag-gym, nadamay lang din. Bata ako no’n, hindi ko alam ang gagawin ko.

“Malinis ako, negative nga ako sa drug tests ‘tapos wala rin akong kaso, pero naninigari­lyo ako kasi pampagisin­g ko ‘yun lalo na ‘pag nasa taping,” kuwento ng aktor. “Saka vape ang ginagamit ko, electric cigarette gamit ko.”

Nagdesisyo­n bumalik ng showbiz si Vivo, “No’ng na-stable ko na ‘yung business namin ng wife ko para may fallback ako kasi hindih ko rin naman kung hanggang kailankail ako sa showbiz. Para if ever na h hindi para sa akin ang showbiz, mayma business kami.”

Si Vivo at ang wife niyang si Jay Anne Bautista ay contractor ng school schpopolil­essu supplies sa DepEd. May dalawang anak sila, 2-year-old na babae at 2-month-old na lalaki. Ang kinabibila­ngan niyang play na Solo Para Adultos ay inspired ng mga play ng Spanish playwright/ filmmaker na si Pedro Almodovar. Kasama ni Vivo sina April “Congratula­tions” Gustilo, Mosang, JV SanSa Miguel at ang Mr. Gay World 2017 na si John HernandezH­ern Raspado.

 ??  ?? Vivo
Vivo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines