Balita

Marilyn Manson, naaksident­e sa entablado

-

ISINUGOD sa ospital ang rocker na si Marilyn Manson at kinansela ang kanyang tour nitong Linggo nang madaganan siya ng bumagsak na stage prop sa isang konsiyerto sa New York.

Nagpahiwat­ig ang gitarista ni Manson na si Tyler Bates na seryoso ang mga sugat bagamat hindi naman ikamamatay pero dahilan para ipatigil nila ang iba pang mga nakatakdan­g konsiyerto.

Ang tour “is on pause for a minute. Heading home. Manson will be back in action soon,” saad ni Bates, nakabase sa Los Angeles, sa Instagram nitong nakaraang Linggo kasabay ng pagpaskil ng litrato mula sa airport.

Kilala ang theatrical na si Manson sa kanyang violent imagery, ngunit kalaunan ay napagtanto ng mga manonood na hindi na bahagi ng stunt ang insidente sa kanyang show nitong Sabado ng gabi sa 2,200-capacity Hammerstei­n Ballroom sa Midtown Manhattan.

Sa video footage na ipinaskil ng ilang fans, mapapanood na inaawit ni Manson ang cover ng kanyang banda ng Sweet Dreams (Are Made of These) ng Eurythmics sa harap ng stage prop ng dalawang higanteng baril na nakatutok sa magkabilan­g direksiyon.

Pagkatapos isigaw ang linyang, “Some of them want to be abused!” makikita na tila sinisikap ni Manson na akyatin ang gun sculpture, pero bumagsak ang backing ladder sa kanya.

Nagpatuloy pa sa pagtugtog ang banda ng halos 20 segundo bago umakyat ang crew sa stage. Kasunod nito ay nagdilim ang paligid sa venue at binuhat palayo si Manson.

Sinabi ng kinatawan ng singer na dinala siya sa ospital.

Ito na ang ikalawang aksidente ng 48-year-old singer, na ang tunay na pangalan ay Brian Warner, nitong mga nakaraang araw.

Noong Biyernes ng gabi sa Pittsburgh, patapos na si Manson sa kanyang set nang madulas sa entablado habang inaabot ang kamay sa fans. Makikita na iika-ika siyang bumalik at sinabi sa crowd na nabali ang kanyang sakong, ngunit tila hindi naman niya ito ininda sa kanyang pagtatangh­al sa New York kalaunan.

Naganap ang aksidente habang naghahanda si Manson na maglabas ng kanyang 10th studio album na Heaven Upside Down sa Biyernes. May mga nakatakda siyang tour dates hanggang sa Disyembre sa North America at Europe.

 ??  ?? Marilyn
Marilyn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines