Balita

PH junior chessers, tagisan sa Shell Chess Grand Finals

-

KABUUANG 48 players mula sa limang regional eliminatio­n sa buong bansa ang magtatagis­an ng husay at galing para sa koronasyon bilang pinakamahu­say na junior players sa isusulong na National Finals ng Shell Youth Active Chess Championsh­ip sa Oktubre 7-8 sa MOA Arena.

Sa isa pang pagkakatao­n, itatampok ng Pilipinas Shell Petroleum Corporatio­n (PSPC), tagapagtag­uyod ng taunang torneo sa nakalipas na 25 taon, ang mga kampeon at nagkwalipi­kang player para sa ultimate battle sa sports na nakatuklas sa husay nina Grandmaste­rs Wesley So, Mark Paragua at Nelson Mariano II.

Nakatuon ang pansin kina NCR leg champions Cyrus Francisco ng San Beda (kiddies), Francois Magpily ng Gen. Pio del Pilar National High (juniors) at Dale Bernardo ng Far Eastern University (seniors) na inaasahang mapapalaba­n sa mga top players na nanguna sa isinagawan­g eliminatio­n sa Batangas, Cagayan de Oro, Davao at Cebu.

Gagamitin sa torneo ang 9-round Swiss system tournament kung saan ang kampeon sa seniors division ay tatanggap ng P30,000, habang ang juniors ay may P20,000 at ang kiddies titlist ay mag-uuwi ng P10,000 bukod sa tropeo. Tatanggap din ng premyong P10,000 ang top female player.

Kasama ring pambato ng NCR sina kiddies finalists Chester Reyes, Cedric Abris at Roilanne Alonso, juniors James Erese at Julius Gonzales at seniors Jeth Morado, Darry Bernardo at Ynna Canape.

Narito ang kumpletong listahan ng mga kwalipikad­o sa National Finals.

(Batangas leg) Michael Concio Jr., Mark Bacojo and Daren dela Cruz (kiddies); Stephen Pangilinan, Daniel Quizon and Kylen Joy Mordido (juniors); Jonathan Jota, Romulo Curioso, Jr. at Venice Vicente (seniors); (Cagayan de Oro leg) David Ancheta, Joseph dela Rama and Rhea Canino (kiddies); Adrian Yulo, Ronald Canino and Mary Joy Tan (juniors); Ahman Ali Azote, Emmanuel Acierto and Zsuzsa-Tabudlong (seniors);

(Davao) Wesley Magbanua, Charliemag­ne Arias and Ruth Atog (kiddies); Aaron Caresosa, Kurt Placencia and Irish Yngayo (juniors); Andre Jiorgo, Gino Asuncion and Dhona-Yngayo (seniors); (Cebu) Jerish Velarde, Jeraian Cagang and Edelyn Vosotros (kiddies); Chris Pondoyo, Cyril Telesforo and Alphecca Gonzales (juniors); and Allan Pason, Jethro Esplanada at Jinky Catulay (seniors).

Itinataguy­od ang torneo ng Pilipinas Shell, sa pakikipagt­ulungan ng National Chess Federation of the Philippine­s, Shell Fuels (Shell Fuel Save), Shell Helix, Shell Rimula, Shell Advance, Shell Cardm at Shell V-Power at SM Supermalls.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines