Balita

Pinoy na nasaktan sa Vegas shooting, inaalam pa

- Roy C. Mabasa, Jun Ramirez at Bella Gamotea

Sinisikap pang alamin ng Philippine Consulate General sa Los Angeles ang nationalit­y ni Marilou Danley, ang kasintahan ng guman sa mass hooting sa Las Vegas Strip nitong Linggo.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokespers­on (DFA) Rob Bolivar, sa ngayon ay wala pa silang opisyal na kumpirmasy­on kung Pinay nga si Danley.

Nilinis na ng Las Vegas sheriff ang pangalan ni Danley, 62 anyos, na nakumpirma­ng wala sa US nang isagawa ni Stephen Paddock, 64, ang pamamaril sa isang outdoor concert.

Sa kabila naman ng mga ulat na nasa Pilipinas si Danley nang mangyari ang masaker sa Las Vegas, may mga hindi makumpirma­ng balita na wala siya sa bansa nang mga panahong iyon, ani Bolivar.

Tumanggi ang Bureau of Immigratio­n (BI) na pabulaanan o kumpirmahi­n kung nasa Pilipinas nga si Danley.

“We are not inclined to release the travel record of Ms. Danley has she was no longer a suspect and appeared to have been cleared by the police,” sinabi ni BI spokespers­on lawyer Ma. Antonette Mangrobang sa isang paikling pahayag.

Iginiit niya na confidenti­al ang travel documents maliban na lamang kung ang indibidwal ay sangkot sa krimen o mayroong paglabag sa batas.

Gayunman, tiniyak ni Mangrobang na “BI shall cooperate with any and all our internatio­nal counterpar­ts in providing relevant informatio­n that would help their investigat­ion.”

INAALAM Agad namang nagpaabot ng simpatiya at pakikirama­y ang Pilipinas sa United States kaugnay sa

trahedya sa Las Vegas.

“Our thoughts and prayers are with the American people today,” pahayag ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano.

Samantala, sinabi ni Bolivar na wala pang natatangga­p na ulat ang DFA na may Pilipinong nadamay sa mass shooting sa Las Vegas Strip.

Sinabi ni Consul General Adelio Angelito Cruz na inatasan na siya ni Secretary Cayetano na magtungo sa Las Vegas upang alamin ang kalagayan ng 131,000 miyembro ng Filipino community roon at iba pang turistang Pinoy na nasa sikat na resort destinatio­n na maaaring nangangail­angan ng tulong.

“We are coordinati­ng with Las Vegas police authoritie­s and with leaders of the Filipino Community to check on our kababayans there,” saad sa pahayag ni Cruz.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines