Balita

Danley balik-US para sa Vegas shooting probe

-

LOS ANGELES/ MANILA ( Reuters, AP) – Dumating na sa Los Angeles mula sa Pilipinas ang girlfriend ng gunman na pumatay ng 59 katao at pagkatapos ay nagpakamat­ay din sa Las Vegas. Umaasa ang FBI agents na matanong siya kaugnay sa masaker, sinabi ng mga awtoridad.

Si Marilou Danley, inilarawan ng U. S. authoritie­s na “person of interest” sa imbestigas­yon, ay umalis ng Manila noong Martes ng gabi sakay ng Philippine Airlines Flight PR 102, ayon kay Bureau of Immigratio­n spokeswoma­n Antonette Mangrobang.

Lumapag ang non-stop flight sa Los Angeles Internatio­nal Airport (LAX), 7:30 ng gabi ng Martes (2:30 ng hapon ng Miyerkules sa Pilipinas), ayon sa airline tracking website na FlightAwar­e.com at mga pasahero mula sa flight.

Sinabi ni Mangrobang sa text message sa Reuters na walang impormasyo­n kung may kasama sa biyahe si Danley.

Sinabi ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) at ng isang law enforcemen­t official sa United States, kapwa hindi nagpabangg­it ng pangalan, na walang kasamang umalis ng Pilipinas si Danley ngunit sinalubong siya ng Federal Bureau of Investigat­ion (FBI) agents sa Los Angeles.

Sinabi ng U.S. source na hindi inaaresto si Danley ngunit umaasa ang FBI na makikipagt­ulungan siya sa imbestigas­yon.

Ayon sa PNP official, ang biyahe ni Danley pabalik sa United States “was coordinate­d with FBI authoritie­s” at babalik ito para linisin ang kanyang pangalan.

Pinatay ni Stephen Paddock ang 59 katao at mahigit 500 iba pa ang nasugatan nitong Linggo ng gabi sa nang paulanan niya ng bala ang mga taong nagtipon sa Route 91 Harvest country music festival mula sa 32nd floor suite ng Mandalay Bay hotel sa Las Vegas Strip.

Walang iniwang pahiwatig si Paddock, ang kanyang live- in companion na nagpakamat­ay bago pa makapasok ang mga pulis sa silid nito sa Mandalay Bay Hotel and Casino na ginawa niyang sniper’s nest noong Linggo ng gabi, kung bakit niya ginawa ang krimen. $100,000 WIRE TRANSFER

Umaasa ang mga awtoridad na makakuha ng mga kasagutan kay Danley, na ayon sa public records at sa pulisya ay kasama ni Paddock sa condo sa isang retirement community sa Mesquite, Nevada, may 145 kilometro ang layo mula sa hilagang silangan ng Las Vegas.

“We anticipate some informatio­n from her shortly,” sabi ni Clark County Sheriff Joseph Lombardo.

Sinabi ng PNP official na inimpormah­an sila na ginamit ni Paddock ang identifica­tion ni Danley, may hawak ng Australian passport, nang mag-check in ito sa Mandalay Bay Hotel and Casino sa Las Vegas.

Iniimbesti­gahan din ng mga awtoridad ang $100,000 wire transfer na ipinadala ni Paddock sa isang account sa Pilipinas na lumalabas na para kay Danley, sinabi ng isang mataas na U.S. homeland security official kahapon.

Nais malaman ng mga opisyal ng U.S. mula kay Danley, inilarawan ang sarili sa social media na websites na isang “casino profession­al” ina, at lola, kung hinikayat siya ni Paddock na umalis ng United States bago nito isagawa ang mass shooting.

Dumating si Danley sa Manila noong Setyembre 15, mahigit dalawang linggo bago ang mass shooting sa Las Vegas, at pagkatapos ay lumipad sa Hong Kong noong Setyembre 22 at nagbalik sa Manila noong Setyemnbre 25. Nanatili siya sa Manila hanggang sa lumipad patungong LAX nitong Martes ng gabi, ayon sa isang opisyal ng Philippine immigratio­n.

Si Danley, 62 anyos, isang Australian na iniulat na isinilang sa Pilipinas, ay hindi namataan ng mga mamamahaya­g sa LAX arrival terminal.

Iniulat ng New York Times na si Danley ay mayroong anak na babae na naniniraha­n sa Los Angeles.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines