Balita

Uson, blogger o public official?

- Ni Vanne Elaine P. Terrazola ASec. Uson

Blogger ka ba o opisyal ng gobyerno?

Ito ang katanungan­g hinarap ni Presidenti­al Communicat­ions Operations Office ( PCOO) Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson nang humarap siya nitong Lunes sa Senate committee on public informatio­n sa pagdinig tungkol sa pagkalat ng online “fake news”.

Humarap sa mga senador ang dating sexy performer kaugnay ng viral niyang mga Facebook post na lantarang nagpapahay­ag ng suporta sa administra­syon, at hayagang pagbatikos sa oposisyon.

“It’s high time for you to decide kung gusto mong maging ASec. o gusto mong maging blogger,” sinabi ni Senator Nancy Binay kay Uson.

Una nang sinabi ni Binay na kabilang mismo si Uson sa nagpapakal­at ng fake news online.

Ilang beses nang tinuligsa si Uson dahil sa kanyang mga post sa Mocha Uson Blog, kabilang ang pagse-share niya ng litrato ng mga pulis sa Honduras habang nananawaga­n ng dasal para sa mga sundalo sa Marawi, na ikinatwira­n niyang “symbolism” lamang.

Sa kasagsagan ng kontrobers­iya sa pagpatay ng mga pulis-Caloocan kay Kian Loyd delos Santos, 17, naglathala rin ang opisyal ng PCOO ng artikulo at litrato tungkol sa isang pulis na napatay sa police operation at hinimok ang oposisyon na dalawin iyon—pero 2016 pa pala nalathala ang nasabing artikulo.

Kamakailan, kinasuhan siya ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Office of the Ombudsman sa paglalatha­la ng mga litrato ng mga dokumento na umano’y nagdedetal­ye sa umano’y offshore bank accounts ng senador. Depensa naman ni Uson, mayroon siyang “right to free speech” bilang “blogger.”

Sa pagdinig kahapon, iginiit naman ni Binay na si Uson “cannot anymore separate” ang pagiging blogger at pagiging opisyal ng gobyerno.

Komento naman ni Sen. Grace Poe, chairperso­n ng Senate public informatio­n committee: “Mahirap balansahin ang personal sa opisyal. Kaya siguro dapat iwasan na magkaroon ng isang personal blog. Isang sakripisyo mo ‘yan sa pagpasok mo sa gobyerno.”

Sinabi ni Uson na siya man ay nabiktima rin ng fake news.

“Kadalasan ng nagpapakal­at ng fake news ay ilang mainstream media,” sabi ni Uson, inihalimba­wa ang napaulat na pagse-selfie niya sa loob ng Grand Islamic Mosque sa Marawi City nang walang hijab at nakasuot ng boots.

Diniretso naman ni Sen. Bam Aquino si Uson at sinabing kahit minsan ay hindi tinangka ng huli na kunin ang panig ng oposisyon kapag may inilalatha­la ito tungkol sa kanila, gaya ng ginagawa ng isang propesyuna­l na journalist.

Ikinatwira­n naman ni Uson na hindi siya journalist kundi isang blogger.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines