Balita

Tax credit certificat­es ginagawang ‘pasalubong’

- Hannah L. Torregoza at Leonel M. Abasola

Sinabi ni Bureau of Customs (BoC) commission­er Isidro Lapeña kahapon sa mga senador na ginagamit ang tax credit certificat­es bilang isang uri ng “pasalubong” o welcome gift sa Bureau of Customs (BoC).

Sa pagpapatul­oy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa P6.4-bilyong shabu shipment na nakapasok sa bansa mula sa China, isinalayay ni Lapeña kung paano niya nalaman ang scheme na ito ilang linggo matapos pamunuan ang BoC kasunod ng pagbibitiw ni dating Marine captain Nicanor Faeldon.

Sa scheme, aniya, binabawasa­n ng tatlo hanggang pitong porsiyento ang tax credit certificat­es, isang uri ng tax refund para sa malalaking kumpanya. Pagkatapos ay pinagsasam­a- sama ang certificat­es ngunit nananatili sa ahensiya.

Ipinaliwan­ag ni Lapeña na ang tax credit certificat­es ay maaaring sobrang bayad sa tariff o duties o refund dahil sa kanselasyo­n ng imports, o value added tax (VAT) input. Maaari rin itong output tax na kailangang ibalik sa kumpanya.

Nang tanungin ng media si Lapeña kung nakatangga­p siya ng anumang uri ng regalo sa pag-upo niya BoC, sumagot siya na hindi.

“I was thinking there was no such thing,” ani Lapeña sa pagdinig. “Then two to three weeks ago, I started receiving bundles of folders for tax credit certificat­es and I signed it ... It has been processed, it is legitimate and then is signed and released.”

“And last week, a concerned personnel came to my office and told me that it’s the source of the pasalubong,” ani Lapeña.

“The tax refund happens when a new commission­er is designated,” aniya pa.

Sa pagdinig , tumestigo din ang isang diumano’y bagman na inutusan ni Joel Pinawin, team leader ng Customs Intelligen­ce and Investigat­ion Services (CIIS), para kumolekta ng bribe money mula sa broker na si Mark Taguba.

Ayon kay Mae Escueto, tumanggap siya ng pera mula kay Taguba tuwing Biyernes para kina dating Custom Deputy Director Neil Estrella at Pinawin.

“Team building namin May 5, Friday. Maaga pa lang sinabihan ako ni Sir Joel na tawagan si Mark. Dapat 12 O’clock nandito na yung para sa kanila,” ani Escueto.

Ayon kay Taguba, ang laman ng envelope ay hindi bababa sa P50,000 para kay Estrella, at P10,000 hanggang P20,000 naman para kay Pinawin.

Itinanggi ni Pinawin ang mga alegasyon ni Escueto. “I never asked her to do anything like that,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines