Balita

Hamon sa bloggers: Magpakilal­a kayo

- Leonel M. Abasola at Vanne Elaine P. Terrazola

Nanawagan si Senador Bam Aquino sa sambayanan na lumantad at ipakilala ang mga sarili kapag nagpapahay­ag ng opinyon sa social media.

Sa unang pagdinig ng Senate Committee on Public Informatio­n and Mass Media sa pagkalat ng fake news, sinabi ni Aquino na ang kanyang panawagan ay para sa lahat -- pabor o kontra man sa administra­syon.

“Walang place sa modern society ang fake news. Use your real name, hindi na ito ang panahon ng pagtago, lumantad na kayo,” ani Aquino.

Iginiit ni Sen. Grace Poe, chairperso­n ng komite, na ang paglaganap ng pekeng balita ay bumubuo ng kultura ng kasinungal­ingan, at naghihikay­at din ng kaguluhan.

Sa parehong pagdinig, tinukoy ng self-proclaimed bloggers ang mga personalid­ad na diumano’y nasa likod ng “Silent No More” blog na naglantad sa pitong senador na hindi lumagda sa kontrobers­iyal na resolusyon na kumukonden­a sa pagpatay sa mga menor de edad.

Sinabi ni Rey Joseph “RJ” Nieto, owner at administra­tor ng blog site na Thinking Pinoy, na isang Edward Angelo “Cocoy” Dayao ang anonymous blogger na umatake sa mga senador na hindi nakalagda sa Senate Resolution 516, na humihimok sa gobyerno na kumilos sa harap ng pagpatay sa mga menor de edad at kabataang suspek sa droga.

Sinabi ni Nieto na maraming blog si Dayao na kritikal sa adminitras­yon dahil ito ay “former member” ng Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) sa termino ni dating president Benigno Aquino III.

Binanggit ng Facebook “blogger” na si Mark Lopez ang mga pangalan nina dating presidenti­al spokespers­ons Edwin Lacierda, Abigail Valte, at dating undersecre­tary Manuel Quezon III, na dumalo rin sa pagdinig.

Itinanggi ng mga dating opisyal ng Palasyo ang mga akusasyon at pinasinung­alingan na naging bahagi ng PCOO si Dayao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines