Balita

Spanish king binatikos ang Catalan leaders

-

BARCELONA (Reuters, AFP) – Inakusahan ni King Felipe VI ng Spain nitong Martes ang Catalan secessioni­st leaders na winawasak ang democratic principles at hinahati ang lipunang Catalan, habang nagmamarts­a ang libu-libo sa mga kalsada sa rehiyon para iprotesta ang bayolenten­g pagbuwag ng pulisya sa ipinagbawa­l na independen­ce referendum noong Linggo.

Ang televised speech ng 49-anyos na hari na karaniwang tahimik sa politika ay senyales kung gaano kalalim ang epekto sa Spain ng botohan sa Catalan at ng police crackdown na ikinasugat ng 900 katao.

Sa labas ng Catalonia, matindi ang pagtutol ng Spaniards sa kampanya ng kalayaan.

Sa kanyang talumpati, binatikos ng hari ang “irresponsi­ble behavior” ng Catalan leaders na aniya ay binubulabo­g ang katahimika­n sa rehiyon.

“Today Catalan society is fractured and in conflict,” aniya. “They (the Catalan leaders) have infringed the system of legally approved rules with their decisions, showing an unacceptab­le disloyalty towards the powers of the state. It is the responsibi­lity of the legitimate state powers to ensure constituti­onal order,’’ aniya.

Nanindigan si King Felipe sa Spanish constituti­on at sa demokrasya, at binigyangd­iin ang kanyang pangako sa pagkakaisa at pananatili­ng buo ng Spain.

Ilang oras matapos ang talumpati ng hari, lumabas si Catalan president Carles Puigdemont sa panayam ng BBC at sinabing magdeklara sila ng kalayaan sa Spain.

‘’We are going to declare independen­ce 48 hours after all the official results are counted,’’ ani Puigdemont.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines