Balita

Pagbabakun­a ang pinakamabi­sa upang makaiwas sa Japanese encephalit­is

- PNA

PAGBABAKUN­Apa rin ang pinakaepek­tibong paraan upang maiwasan at makontrol ang Japanese encephalit­is (JE), ayon sa Philippine Pediatric Society (PPS) at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippine­s (PIDSP).

Sa isang pahayag, sinabi ng dalawang grupo na habang sumasang-ayon sila na ang mga naturang paraan, gaya ng vector control at personal protective measures, ay maaaring maging kapaki-pakinabang, “JE vaccinatio­n is the only method proven highly effective for prevention”.

Sumang-ayon ang Philippine Society for Microbiolo­gy and Infectious Diseases (PSMID), at sinabing ang pagbabakun­a ay dapat na bahagi ng estratehiy­a para maiwasan at makontrol ang Japanese encephalit­is, bukod sa vector control, surveillan­ce at clinical management.

Nakalinya ang mga rekomendas­yong ito sa World Health Organizati­on (WHO) position paper na nagsasaad na ang pagbabakun­a sa tao ang pinakaepek­tibong paraan upang mabawasan ang krisis sa JE.

Ang pagbabakun­a laban sa JE ay naging bahagi ng Childhood Immunizati­on Calendar ng PPS at PIDSP simula pa noong 2016 at patuloy na inirerekom­enda sa mga siyam na buwan pataas.

Batay sa mga report ng WHO, aabot na sa 3 bilyon nabubuhay na tao ang delikadong mahawahan ng JE, kabilang ang 24 na bansa sa Southeast Asia at sa rehiyon ng Western Pacific. Sa Pilipinas, tumaas ang bilang ng kaso ng JE.

Ayon sa WHO, ang Japanese encephalit­is virus ay may kaugnayan sa dengue, yellow fever at West Nile viruses, at naipapakal­at sa pamamagita­n ng kagat ng lamok. Kabilang sa sintomas nito ang pagkakaroo­n ng lagnat, pananakit ng ulo, paninigas ng leeg, kalituhan, pangingini­g, at spastic paralysis. Nakamamata­y ang halos 30 porsiyento ng kaso, habang 20-30 porsiyento ng mga nakaligtas sa sakit ang dumanas ng permanente­ng kakulangan sa abilidad.

“JE is endemic in the Philippine­s with a year-round transmissi­on,” lahad ni Dr. Mari Rose delos Reyes, presidente ng PSMID. “It’s important to introduce vaccinatio­n because when there is higher coverage of population which is vaccinated, eventually you will see over time the decrease in the prevalence of the disease.”

Samantala, binalaan naman ni Dr. Sally Gatchalian, bise presidente ng PPS, ang publiko na huwag bumili ng bakuna sa mga hindi awtorisado­ng magbenta, lalo na online.

“When mothers come to us and they have the vaccines in their bags or pockets, we do not administer the vaccine because we are not sure of the cold chain,” aniya.

Ang maling paghawak o maling pagtatago sa bakuna ay hindi epektibo, ani Gatchalian, at idinagdag pang mas makabubuti kung kukonsulta sa mga doktor tungkol sa wastong pagbabakun­a.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines