Balita

Gabby, sinuwerte sa GMA-7

- Ni NORA CALDERON ‘The Debutantes’

ITINUTURIN­Gni Gabby Concepcion na sinuwerte siya nang husto nang lumipat siya sa GMA-7 almost two years ago.

Paglipat pa lamang niya, binigyan siya ng magandang teleserye. Ginawa niya ang Because of You na nagpasikat sa kanya bilang si Boss Yummy. Ito ang naging tawag sa kanya ng netizens kahit may teen-age children na siya sa istorya, dahil mukha pa rin daw siyang yummy. Matagal siyang tinawag na Boss, pero agad na napalitan ng Rome nang gawin naman niya ang afternoon prime drama series na Ika-6 Na Utos.

Iyon ang character niya sa soap na nagpanalo sa kanya ng Best Actor sa katatapos na Seoul Internatio­nal Drama Award sa South Korea. Personal niyang tinanggap ang Asian Star Prize trophy nang pumunta siya sa Korea.

Wala pang isang buwan, muling tumanggap ng Best Actor award si Gabby mula naman sa 7th Eduk Circle Awards na ginanap sa UP Theater. Sa labis na tuwa, ito ang kanyang post sa Instagram:

“My success is because of you. My failure is my own doing. Thanks for all your support, Mom. I dedicate this honor to everone in GMA and especially to my family sa #ika6nautos.”

Hindi nakalimot si Gabby na magpasalam­at sa kanyang GMA drama family dahil hindi raw niya magagampan­an ang kanyang role kung wala ang suporta nina Sunshine Dizon, Ryza Cenon, Angelika dela Cruz at lalo na ang mahusay na director nilang si Laurice Guillen.

Ang top- rating afternoon drama na Ika- 6 Na Utos ay napapanood mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga.

 ?? Gabby ??
Gabby

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines