Balita

Kimerald serye, ‘di pa magwawakas

- –Reggee Bonoan

MARAMIang nagtatanon­g sa amin kung magtatapos na ang Ikaw Lang Ang Iibigin nina Kim Chiu, Jake Cuenca at Gerald Anderson dahil nga nalaman nang si Rigor ( Daniel Fernando) ang nakapatay kay Victoria ( Ayen Munji

Laurel) nang magtalo sila at maitulak niya ito.

Hindi pa dapat malalantad si Rigor kung hindi nagtanong ang sariling anak na si Carlos ( Jake

Cuenca) kung sino talaga ang pumatay sa nanay niyang si Victoria (Ayen), natigilan ang una, at saka dinalaw ang puntod ng nanay ng anak.

Sumakto na may isang babaeng dumating sa opisina ni Roman ( Michael

de Mesa) at nagpakilal­ang ito ang kapatid ng babaeng naanakan ng una at dinala ang anak nilang si Carlos (Gerald) pero ibang babae raw ang nadatnan niya.

Pero sa katitingin ng

babae sa baby pictures ni Carlos ay nabanggit niyang, hindi iyon ang batang dinala niya sa bahay nina Roman, kaya may bagong twist na naman ang Lang Ang Ibigin.

Ito na siyempre ang kasagutan sa mga nagtatanon­g, matatagala­n pa bago matapos ang serye ng Kimerald dahil kapapasok lang sa istorya nina Arci Muñoz bilang boss ni Gerald na magkakagus­to sa kanya. Gayundin si JC Santos na nanliligaw naman kay Bianca (Kim).

Naaliw kami sa TFC subscriber­s na kakilala namin dahil hindi na raw sila makatayo sa kinauupuan nila kapag nanonood ng mga teleseryen­g inaabangan nila dahil pawang magaganda.

 ?? Gerald at Kim ??
Gerald at Kim

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines