Balita

Swiss police, iniimbesti­gahan ang bagong rape case laban kay Polanski

- AFP

KINUMPIRMA­ng Swiss police nitong Martes na iniimbesti­gahan nila ang bagong alegasyon ng rape laban kay Roman Polanski, na isinampa ng isang babae, na nagsabing hinalay siya ng filmmaker sa bayan ng Gstaad noong 1972. Kinumpirma ni St. Gallens police communicat­ions chief Krusi Hanspeter ang detalye ng alegasyon, na unang ibinalita sa The New York Times.

Sinabi ni Hanspeter sa AFP na kinapanaya­m ng pulisya si Renate

Langer noong Setyembre 26 ukol sa mga akusasyon na hinalay umano siya ni Polanski sa Gstaad noong siya ay 15 taong gulang pa lamang.

Hinatulang guilty si Polanski noong 1977 sa United States dahil sa pagkakaroo­ng ng unlawful sex kay Samantha Geimer — 13 taong gulang nang panahong iyon – ngunit umalis ito sa bansa bago pa man nasentensi­yahan. Patuloy itong nagtatago sa U. S. justice system.

Si Langer ay 61 taong gulang na ngayon at dating aktres na isinilang sa Munich, ayon sa ilang media report.

Siya ang ikaapat na babaeng tahasang nag-akusa kay Polanski ng sexual assault.

Noong Agosto, isang babaeng nagngangal­ang Robin ang nagsabi sa news conference sa Los Angeles na siya ay “sexually victimised” ng legendary French-Polish film director nang siya ay 16 taong gulang pa lamang noong 1973.

Inihayag ni Robin na naglakaslo­ob siyang magsalita dahil sa labis na galit matapos hikayatin ni Geimer ang awtoridad na sarhan na ang popular na kaso.

Inilahad ni Robin sa mga mamamahag na nais niyang malaman ng publiko na si Polanski, ngayon ay 84 taong gulang, ay nambiktima ng iba pang babae.

Ayon sa The New York Times, nagdesisyo­n si Langer na lumapit sa pulisya dahil sa ginawa ni Robin, at dahil pareho nang patay ang kanyang mga magulang.

Aniya, nakilala niya si Polanski habang nagtatraba­ho siya bilang modelo sa Munich at sumama siya rito papunta sa isang bahay sa Gstaad, kung saan siya nito ginahasa.

Sinabi ni Hanspeter sa AFP na hindi pa malinaw ang kasong isasampa sa direktor.

Maaari pa ring ipagpatulo­y ng Swiss prosecutor­s ang kaso, bagamat mahirap itong maisagawa dahil sa tagal na ng insidente.

Nagpatuloy ang film career ni Polanski nang siya ay lumipad patungong France, kung saan tinituring siya ng marami bilang icon.

Nakatangga­p siya ng walong César Awards — ang French award na katumbas ng Oscar — pati na rin ang Best Director Academy Award para sa Holocaust drama na The Pianist.

 ?? Roman ??
Roman

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines