Balita

Ansel Elgort, bida sa adaptation ng ‘Goldfinch’

- Variety

NAPUPUSUAN­ng Warner Bros. at Amazon Studios si Ansel Elgort na maging bida sa adaptation ng nobelang The Goldfinch ni Donna Tartt.

Halos dalawang buwan na nakipag-ugnayan ang direktor na si John Crowley sa ilang pupuwedeng artista bago ibinigay ang role ni Theo kay Elgort.

Nakuha ng Warner at RatPac ang rights ng Pulitzerwi­nning book noong 2014. Investor at producer din ng pelikula ang RatPac. Ang Goldfinch, na tumanggap ng critical raves dahil sa Dickensian plotting, ay istorya ng isang binatang nagngangal­ang Theodore Decker na nakaligtas sa pambobomba ng mga terorista sa isang art museum — ang pag-atake na kumitil sa buhay ng kanyang ina. Noon nagsimula angf pagkakasal­i niya sa iba’t ibang adventures, at maniniraha­n siya sa Las Vegas kasama ang kanyang mapang-abusong tatay, na kalaunan ay masasangko­t sa art forgeries.

Ngayong taon, sumang-ayon ang Amazon Studios na maging co-financer ng pelikula, at magsisimul­a na ang shooting pagpasok ng 2018.

Bilang bahagi ng kasunduan, mas mataas ang investment ng Amazon sa budget ng pelikula, na tinatayang aabot sa $40 million, ayon sa insiders. Ang Amazon ang makakakuha ng streaming rights sa pelikula para sa Prime service nito. Warner Bros. ang ang magdi-distribute ng pelikula sa mga sinehan sa buong mundo.

Hindi nahirapan si Elgort na humanap ng susunod na proyekto pagkatapos ng kanyang surprise summer hit na Baby Driver.

 ?? Ansel ??
Ansel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines