Balita

Bedans, tumatag sa WNCAA

- Marivic Awitan

PATULOY ang pangingiba­baw ng defending senior champion San Beda College Alabang habang sosyo ang kanilang juniors team sa liderato sa 48th Women’s National Collegiate Athletic Associatio­n ( WNCAA) volleyball tournament nitong weekend sa Rizal Memorial Coliseum.

Naitala ng Red Lionesses ang ikalimang dikit na panalo pagkaraang igupo ang co-leader Centro Escolar University Lady Scorpions , 25-22, 2025, 25-19, 25-12 .

Sa iba pang laro, nakamit naman ng baguhang University of Makati ang ikatlong sunod na panalo pagkaraang mabigo sa unang dalawang laro nang pabagsakin ang University of Asia & the Pacific 25- 16, 25- 13, 25- 9, at nayamani ang Philippine­s Women’s University kontra Assumption, 25-19, 25-20, 24-26, 26-24, na nag -angat sa kanila sa 2-3 marka.

Sa juniors division, iginupo ng defending champion De La Salle Zobel ang Angelicum College, 25-12, 25-17, 25-12, habang pinadapa ng San Beda ang Assumption, 25-16, 26-24, 25-12, para magsalo sa liderato ng Group A taglay ang 4-0 karta.

Kapantay nila ang Chiang Kai Shek College na nanaig naman kontra St. Paul College Pasig, 25-17, 25-20, 14-25, 25-21, para sa ika-4 na sunod na panalo upang mangibabaw sa Group B.

Sa basketball competitio­n, nawalis ng defending junior champion CKSC ang 5-game sweep ng Group A matapos ang 83-53 panalo kontra San Beda sa St. Scholastic­a Manila gym.

Winalis din ng DLSZ ang Group B makaraang talunin ang Assumption, 93-24.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines