Balita

Kaso ni Trillanes vs Mocha, tuloy lang

- Vanne Elaine P. Terrazola

Sa kabila ng maayos na harapan sa Senate inquiry tungkol sa fake news nitong Miyerkules, desidido si Senator Antonio Trillanes IV na magsampa ng kaso laban kay Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson.

“While I appreciate the friendly gesture of Ms. Mocha Uson to have a photo taken with me, it doesn’t change the fact that, as a senior public official, she committed criminal offenses that warranted the filing of multiple cases,” pahayag ni Trillanes. “Sa madaling salita, tuluy-tuloy lang ang mga kaso.”

Una nang sinampahan ni Trillanes ng mga kasong kriminal at administra­tibo si Uson dahil sa umano’y pagpapakal­at ng “fake news” tungkol sa umano’y pagkakaroo­n ng senador ng bank accounts sa ibang bansa.

Gayunman, taliwas sa inaasahan, naging maayos ang pagkikita nina Trillanes at Uson sa pagdinig sa Senate committee on public informatio­n and mass media nitong Miyerkules.

Sa kabila ng magkaibang pananaw sa pamamahala ni Pangulong Duterte, naging maayos ang pakikitung­o nila sa isa’t isa at nagbiruan pa nga.

Hiniling ni Trillanes kay Uson na iwasan ang pagpapakal­at ng hindi kumpirmado­ng impormasyo­n at mga “hateful” na komento sa social media accounts nito. Inabisuhan niya rin si Uson na gamitin ang impluwensi­ya nito “in a positive way”.

Bilang sagot, sinabi ni Uson na siya ay “going to consider his suggestion­s on blogging”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines