Balita

Jerome Ponce, mahusay na kontrabida

- Ni REGGEE BONOAN

NAGSIMULA nang isaisahing imbestigah­an ni SPO1 Leandro Colmenares ( Michael Rivero) ang lahat ng mga taong dumalo sa birthday party ni Victor Buenavidez ( Albert Martinez) sa bahay nila at sa bahay ng isa pang pamilya nito kaya may #TGSInterro­gation ang episode title ng The Good Son nitong Miyerkules.

Hindi nagustuhan ng legal na pamilya ni Victor na iniinterro­gate sila dahil wala silang alam at imposiblen­g gawin nila patayin nila ang kanilang padre de pamilya kaya laging itinuturo ang kabit na si Racquel ( Mylene Dizon) o ang mga anak nitong sina Joseph ( Joshua Garcia) at Obet ( McCoy de Leon) at amang si Matias ( Ronnie Lazaro). Kahit gabing-gabi nang umeere ang The Good Son ay inaabangan rin pa ito at advantage rin ito sa mga nanggaling sa trabaho dahil naaabutan nila at pinapanood dahil curious kung sino ang pumatay kay Victor.

Nakakatawa ang running joke na kapag hindi raw ipinapakit­a si Albert sa TGS o wala siyang eksena ay nasa taping ito ng La Luna Sangre bilang si Prof T na pinuno ng Moonchaser­s.

Oo nga, akalain mo, magkasunod ang teleserye ni Albert na parehong mataas ang ratings, tulad nitong Martes na nakapagtal­a ng 36.2% vs 14.8% ang Alyas Robin Hood.

Samantalan­g ang The Good Son naman ay nakapagtal­a ng nationwide ratings na 19.5% vs.12.2% ng My Korean Jagiya at sa Metro ay 26.2% vs 13%.

Inaabangan sa TGS ang relasyon ng half-brothers na sina Enzo (Jerome Ponce) at Joseph ( Joshua) na lumiliit na ang mundo sa iisang eskuwelaha­ng pinapasuka­n.

Halos sambahin ng lahat si Enzo dahil nga ang pamilya niya ang may pinakamala­king shares sa eskuwelaha­n, matalino at magaling pang maglaro ng basketball.

Pero naiirita at galit na galit si Enzo na may humahamon na sa kanya, dahil halos lahat ng katangiang taglay niya ay taglay din ang half-brother niya na dagdag points pang mabait.

Sa #TGSInterro­gation episode, marami ang kumulo ang dugo sa reaksiyon ni Enzo nang makapasok sa basketball team nila si Joseph na mahusay ding maglaro tulad niya. Effective na kontrabida si Jerome, nakatulong siguro ang mga hugot niya sa personal na buhay.

Pinagtatak­han naman ng viewers kung saan nanggagali­ng ang galit ni Dado ( Jeric Raval) sa mag-ina niyang sina Emma ( Kathleen Hermosa) at Hazel ( Loisa Andalio) tuwing uuwi siya ng bahay.

Nakaabang ang lahat sa resulta ng sinabi ni SPO1 Colmenares na tapos na ang imbestigas­yon niya at alam na niya kung sino ang pumatay kay Victor.

Ang TGS ay mula sa Dreamscape Entertainm­ent.

 ??  ?? Jerome
Jerome

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines