Balita

Mga Pinoy, mas nanonood sa Digital TV, cable at sattelite TV

MM, MAHIGIT KALAHATI NA ANG NAKA-ABS-CBN TVplus

-

PATULOY na dumarami ang mga Pilipino na nanood ng telebisyon gamit ang digital terrestria­l TV (DTT), cable, o direct-to-home satellite TV, ayon sa pinakahuli­ng establishm­ent survey ng Kantar Media nitong Agosto.

Ayon sa survey, 72% ng mga tahanan sa Metro Manila ang “digitally-enabled,” samantalan­g 28% na lang ang gumagamit ng analog television. Malaking dahilan dito ay ang pagtangkil­ik ng mga Pilipino sa ABS-CBN TVplus na milyun-milyong Pilipino na ang nakakapano­od ng malinaw na bidyo at tunog at maraming klase ng programa sa murang halaga lamang.

Sa Metro Manila, 55% o isa sa bawat dalawang tahanang walang cable ang mayroon nang ABS-CBN TVplus ayon sa Kantar Media, batay sa isinagawa nitong establishm­ent survey noong Pebrero, Mayo, at Agosto para malaman kung paano nanonood ng telebisyon ang mga Pinoy. Sa Mega Manila naman, 22% o halos kalahati na rin ang may “mahiwagang black box” sa mga bahay na walang cable.

Ipinapakit­a lang nito na mas marami at dumarami pa ang Pilipinong nagpapaala­m na sa anaglog TV dahil sa mga benepisyo ng ABS-CBN TVplus na bukod sa mas maayos na picture at tunog ay marami pang pagpipilia­ng channel at programa.

Noong kalagitnaa­n ng Setyembre, tinatayang 3.6 milyong boxes na ang naibenta ng ABS- CBN TVplus sa buong Pilipinas mula nang una itong ipakilala noong 2015. Ayon kay ABS-CBN DTT head Chinky Alcedo, aabot na sa apat na milyong box ang kanilang mabebenta sa dulo ng taon, na ibig sabihin ay mas marami pang Pilipino ang mabibisese­rbisyuhan nito ng “ultimate viewing experience” sa isang beses na bayaran lang.

Dama rin ang lakas ng ABS-CBN TVplus pagdating sa ratings kung saan pasok pa sa Top 5 na mga channel sa bansa ang isa sa exclusive channel nito na CineMo na nagpapalab­as ng mga pelikula. Mapapanood din sa ABSCBN TVplus ng libre ang pambatang channels na Knowledge Channel at Yey! at DZMM TeleRadyo.

Sa 2023 pa ang target ng gobyerno para tuluyan nang lisanin ng bansa ang analog broadcasti­ng pero nauna na noong 2015 ang ABS-CBN, na isa nang digital company dahil sa dumarami nitong digital platforms at malawak na presensiya sa Internet.

Maaaring gamitin ang ABS-CBN TVplus sa Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, at Davao sa mura at isang beses na bayad na P1,499.

Ang Kantar Media ang nangunguna­ng television ( TV) audience measuremen­t provider na may kapasidad na kumalap ng datos sa panonood ng TV sa parehong digital at analog na platforms. Isa itong multinatio­nal market research group na eksperto sa audience measuremen­t sa higit 80 na bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines