Balita

Lovers sinalvage habang nagdi-date

- Nina MARY ANN SANTIAGO at FER TABOY

Kapwa hindi na humihinga ang magkasinta­han, na pinaniniwa­laang nag-date lamang, nang matagpuan sa isang liblib na lugar sa Rodriguez, Rizal kamakalawa.

Kinilala ni Police Supt. Hector Grijaldo, hepe ng Rodriguez, Rizal PNP, ang mga biktima na sina Charmaine Villarias, 19; at John Vincent Umiten, 21, kapwa estudyante ng Colegio de Montalban at residente ng bayan ng Rodriguez.

Natagpuan mga biktima na kapwa nakagapos ang mga kamay at paa at hinihinala­ng pinatay sa sakal at pinagpapal­o sa ulo ng matigas na bagay.

Iniulat na mayroong dalawang saksak sa bewang si Umiten at posible naman umanong ginahasa si Villarias dahil wala itong saplot nang matagpuan.

Samantala, kinumpirma ni Grijaldo na hawak na nila ang person of interest sa kaso ngunit tumangging ibunyag ang pagkakakil­anlan nito.

Sa ulat ni PO1 Jaymar Yim, nadiskubre ni Mario Bautista, 41, security guard ng Amityville Subdivisio­n sa Barangay San Jose, ang mga biktima sa Burol, Mt. Zion na matatagpua­n sa loob ng nasabing subdibisyo­n, bandang 12:30 ng tanghali kamakalawa.

Naglilibot umano si Bautista sa nasabing lugar nang mapansin ang bakas ng mga sa damuhan at dahil sa kuryosidad ay sinundan niya ito.

Sa kanyang paglalakad ay untiunting natanaw ni Bautista ang bangkay ng mga biktima at agad itong ini-report sa pulisya.

Ayon kay Grijaldo, pagnanakaw ang posibleng motibo sa krimen dahil nawawala ang mga cell phone, wallet at iba pang mahahalaga­ng gamit ng mga biktima.

Isinailali­m na, ayon kay Grijaldo, sa awtopsiya ang bangkay ni Villarias upang malaman kung ginahasa ito bago pinatay.

Patuloy ang paggulong ng imbestigas­yon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines