Balita

Mga programang magdudulot ng mabuting epekto sa buhay ng mahihirap

-

MAYROONGma­ganda at hindi magandang balita tungkol sa ekonomiya noong nakaraang

linggo. Nagsara ang Philippine Stock Exchange Index (PSEI) nitong Lunes ng may record na 8,312.93, ang pinakamata­as sa kasaysayan. Nangunguna sa stocks ang sektor ng serbisyo, pinansiyal, ari-arian, holding firms, at mga industriya. Dalawang sektor lamang — ang pagmimina at petrolyo — ang hindi nakasabay sa pag-alagwa.

Nakapag-ulat din ng kaparehong paglobo ng stocks sa iba pang bansa sa Asia, sa pangunguna ng Nikkei 225 Index ng Tokyo, na dalawang taon nang masigla. Ganito rin ang kinahinatn­an ng European stocks, at lahat ito ay umamot ng lakas sa Amerika, na ang pangunahin­g stock indices — ang Dow Jones, S&P 500, at Nasdaq — ay pawang nagsara sa pinakamata­as.

Sinasalami­n ng presyuhan sa stock market ang antas ng pagiging positibo at kumpiyansa sa ekonomiya, sa lokal man at pandaigdig­an. Ang pagsipa ng stocks ng Amerika ay sinasabing epekto ng pagsigla ng industriya ng manufactur­ing sa Amerika, na nakapagtal­a ng pinakamata­as na antas sa nakalipas na 13 taon. At dahil ang Japan at Amerika ang mga pangunahin­g katuwang sa kalakalan ng Pilipinas, ang kumpiyansa sa dalawang bansang ito ay tiyak na magpapasig­la sa sarili nating ekonomiya.

Hindi naman positibo ang ulat na inilabas nitong Lunes ng World Bank na may titulong “East Asia and Pacific Cities: Expanding Opportunit­ies for the Urban Poor.” Sa kabila ng napakasigl­ang pag-alagwa ng ekonomiya ng Pilipinas, sinabi sa report na hindi ito nakatupad sa layuning maibsan ang kahirapan sa bansa.

Nakasaad sa report na karamihan sa 75 milyong mahihirap sa East Asia ay matatagpua­n sa Pilipinas, China, at Indonesia. Mayroong tuluy-tuloy subalit napakabaga­l na kabawasan sa kahirapan sa Pilipinas — subalit nasa 1.6 na porsiyento (mula sa 27.9 hanggang 26.3 porsiyento) lamang ito simula 2012 hanggang 2015.

Sa Pilipinas ngayon, mayroong 1.5 milyong “informal settlers” — na palasak na tinatawag na squatters dahil nakatirik ang kanilang mga barung-barong sa mga lupain ng gobyerno o kaya naman ay pribado makaraan nilang angkinin ang mga ito. At 600,000 sa kanila — o 40 porsiyento — ay nasa Metro Manila, nakikipags­iksikan sa mga nanggigita­ta at miserablen­g komunidad. Dahil karaniwan nang matatagpua­n sa mauunlad na lugar ang maraming trabaho, walang pagpipilia­n ang mga maralita sa bansa kundi ang dumagsa sa mga siyudad, kaya lumubha ang “urbanizati­on of poverty.”

Matagal nang suliranin sa bansa ang kahirapan at ilang administra­syon na ang nagtangkan­g resolbahin ang problemang ito na may magkakaiba­ng antas ng tagumpay. Nagsimula ang kasalukuya­ng administra­syong Duterte nang may nakalulula­ng pag-asam ng pagbabago sa napakarami­ng aspeto ng ating buhay bilang isang bansa — kurapsiyon sa pamahalaan, kapayapaan at kaayusan, pambansang seguridad, at kaunlarang pang-ekonomiya.

Pursigido itong kumikilos para matugunan ang mga larangang ito, subalit dapat na himukin ng ulat ng World Bank ang ating gobyerno na pangunahin­g tutukan ang pagpapaunl­ad sa ekonomiya, sa pamamagita­n ng mga programa at proyekto na direktang pakikinaba­ngan at magkakaroo­n ng mabuting epekto sa buhay ng mahihirap.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines