Balita

Pinag-aaralan ang eksklusibo­ng sanitary landfill sa gitna ng tumitindin­g problema sa basura

-

PINAG-

AARALAN ng lokal na pamahalaan ng Dumaguete City sa Negros Oriental ang pagtatayo ng sanitary landfill na eksklusibo sa lalawigan, dahil nag-uumapaw na ang basura sa kanilang tambakan.

Ipinagbawa­l na ng gobyerno ang pagbubukas ng mga dumpsite, at tumanggap ang mga local government unit (LGU) sa buong bansa, kabilang ang Dumaguete City, ng closure notice mula sa Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR).

Inihayag ni Mayor Felipe Antonio Remollo sa pagpupulon­g ng mga kapitan ng barangay ngayong linggo na ikinokonsi­dera ng pamahalaan­g lungsod na gawing sanitary landfill ang limang-ektaryang lupa sa dulo ng lungsod, ayon kay City Informatio­n Officer Dems Rey Demecillo.

Sinabi ni Demecillo na ang plano ng lungsod na magtayo ng sariling tapunan ng basura ay habang wala pang desisyon ang mga lokal na pamahalaan na may posibleng lugar ng tambakan sa panukalang magkaroon ng clustered facility na maaaring ibahagi sa mga kalapit na munisipali­dad, gaya ng Metro Dumaguete.

Binisita na ng Technical Working Group (TWG) ang posibleng pagtayuan ng sanitary landfill sa mga munisipali­dad ng Valencia, Sibulan at Dauin, bilang tugon sa reklamo ng publiko laban sa tumitindin­g problema sa tapunan ng basura.

Gayunman, sinabi ni Demecillo na ang planong ito ay naharap din sa ilang pagsubok, gaya ng problema sa pagtanggap ng komunidad, kaya nagdesisyo­n ang alkalde ng Dumaguete na magtayo ng sarili nilang tapunan ng basura, na para lamang sa mga residente sa siyudad.

Inihayag ni Demecillo na ito ay bunsod ng maliit na espasyo, na hindi kayang matanggap o makuha ang mga basurang mula sa iba pang mga bayan, at sinabing kailangang sampung-ektaryang lupa ang ilaan dito habang ang kayang ilaan ng lungsod para rito ay limang ektarya lamang.

Ito ang “best effort” na ginawa ng alkalde kahit na bukas pa rin siya sa posibilida­d na ibahagi ito sa ibang lugar sa Metro Dumaguete, ayon kay Demecillo.

Idinagdag pa ni Demecillo na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para sa masolusyun­an ang problema sa basura sa lalong madaling panahon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines