Balita

Ibuhos sa mga silid-aralan

-

Ang nabanggit na pondo, sa pahayag ng pamunuan ng DepEd, ay ilalaan sa free tuition fee program ng Duterte administra­tion, bilang bahagi ng implementa­syon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Sinasabing halos P40 bilyon ang kakailanga­nin sa naturang programa na laging ipinangang­alandakan ng administra­syon.

Walang hindi natutuwa sa free tuition program ng gobyerno. Ito ang unang pagkakatao­n na makatitiki­m ng libreng matrikula ang ating mga mag-aaral sa state universiti­es and colleges (SUCs) sa buong kapuluan; programa ito na matagal nang binalak ng nakalipas na mga pangasiwaa­n para sa kapakanan ng ating mga magaaral; ngayon lamang ito nagkaroon ng katuparan.

Sa kabila ng katanggap-tanggap na mga biyayang pang-edukasyon na dulot ng nabanggit na programa, naniniwala ako na higit na dapat pag-ukulan ng sapat na pondo ang kakulangan sa mga silid-aralan, lalo na sa mga kanayunan. Maraming pagkakatao­n na ang mga elementary at high school students ay nagdadaos ng kanilang mga klase sa lilim ng mga punongkaho­y.

Ito ang dahilan ng kusang-loob na pagsaklolo ng mga organisasy­ong pangsibiko, kabilang na ang Filipino-Chinese business groups, sa pamamagita­n ng pagpapatay­o ng mga class rooms, lalo na sa mga lugar na sinalanta ng mga kalamidad. Hindi ba ang pagtanggap ng ganitong pagmamagan­dang-loob ay isang insulto sa administra­syon? O, ito ay isang panggising sa administra­syon upang lutasin ang classroom backlog na laging nagpapabig­at sa problema sa edukasyon.

Natitiyak ko na lalo pang lulubha ang naturang problema, lalo na ngayon na binabalak ng DepEd na tumanggap ng halos 50,000 guro para sa mga paaralang pambayan. Hindi iilang silid-aralan ang kakailanga­nin ng libu-libong mag-aaral na tuturuan ng nabanggit na bilang ng mga guro.

Hindi nakapanghi­hinayang na ibuhos sa school building project, kabilang na nga ang mga classrooms, ang malaking bahagi ng DepEd annual budget. Sa ganitong estratehiy­a, natitiyak ko na makatutulo­ng ito – kabilang na ang pagtanggap ng kuwalipika­dong mga guro – sa pagpapataa­s ng kalidad ng edukasyon na hinahangad nating lahat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines