Balita

Pink kay Dr. Luke: He’s Not a Good Person

- Pink Entertainm­ent Tonight

HINDI fan ni Dr. Luke si Pink. Nanawagan ang 38 taong gulang na singer kay Dr. Luke sa panayam sa kanya ng The New York Times nitong Huwebes, at sinabing bagamat hindi niya alam ang nangyari kina Dr. Luke at Kesha – na nakikipagt­unggali ngayon sa producer na inakusahan nitong nangmolest­iya rito -- aniya, “not a good person.”

“I know that regardless of whether or not Dr. Luke did that, this is his karma and he earned it because he’s not a good person,” lahad ni Pink.

Mariing itinanggi ni Dr. Luke, Lukasz Gottwaldan­g tunay na pangalan, ang alegasyon ni Kesha ng pang-aabuso.

Si Pink – na nagsabing hindi nakaranas ng labis na sexism sa kanyang karera dahil “people think I’m insane and aggressive and I’ll bite them” – ay nakipagtra­baho kay Dr. Luke noong 2006, nang maging cowriter at nagprodyus ng tatlong kanta sa kanyang album na I’m Not Dead. Inihayag din ni Pink na hindi na siya muli pang makikipagt­rabaho rito.

“I have told him (that he’s not a good person) to his face and I do not work with him,” aniya. “He doesn’t do good business, he’s not a kind person, he doesn’t do the right thing when given ample opportunit­ies to do so, and I don’t really feel that bad for him.”

Si Pink ang pinakabago­ng mangaawit na nagsiwalat ng akusasyon laban kay Dr. Luke. Nitong nakaraang buwan, sinabi ni Kelly Clarkson na nawalan siya ng “millions” dahil ayaw niyang makatrabah­o ang producer. Kinasuhan ni Kesha si Dr. Luke noong 2014, dahil sa umano’y pagdroga, panghahala­y at emosyonal na pangaabuso sa kanya. Noong Agosto, itinigil niya ang kanyang kasong isinampa laban dito sa California, dahil mas nais niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang bagong awitin, ayon sa kanyang legal counsel. Gayunman, patuloy pa rin ang kanyang kasong isinampa laban kay Dr. Luke sa New York.

Itinanggi ni Dr. Luke ang mga akusasyon ni Kesha at sinampahan din ng kasong defamation at breach of contract ang singer. “I didn’t rape Kesha and I have never had sex with her,” tweet nito noong nakaraang taon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines