Balita

La Salle at UST netters, kumakatok sa UAAP tilt

-

LUMAPIT ang reigning women’s champion De La Salle sa awtomatiko­ng Finals slots, habang umusad sa semifinals ang men’s titleholde­r University of Santo Tomas sa UAAP Season 90 table tennis tournament kamakailan sa UP CHK Gym.

Nakopo ng Lady Paddlers ang 12-0 karta matapos bokyain ang University of the East at Adamson University sa parehong 3-0 desisyon.

Nalagpasan naman ng Growling Tigers ang matindings hamon ng University of the Philippine­s at Far Eastern University sa parehong 3- 2 desisyon at hilahin ang winning streak sa 11 laro.

Kumpleto na ang Final Four cast sa women’s side tampok ang UST, FEU at UP.

Nasa pangalawan­g puwesto ang Tigresses, nagwagi sa Ateneo at Adamson via similar 3-0 iskor, kipkip ang 10- 2 karta, habang nanuwag ang Lady Tamaraws, kontra Lady Bulldogs at Lady Warriors via 3-0 panalo para sa 8-4 karta.

Matapos matalo sa Lady Falcons, 2- 3, nakabangon ang Lady Maroons sa impresibon­g 3-1 panalo kontra Lady Bulldogs.

Kakailanga­nin ng Lady Paddlers na mawalis ang huling dalawang laro sa eliminatio­n para makausad sa best-of-three championsh­ip round.

Umusad ang NU sa men’s semifinals nang manaig sa Ateneo (3-0) at UE (3-1) para sa 9-3 karta.

Magkasosyo naman ang UP, UE at Adamson University sa three- way tie para sa iktlong puesto na may 7-5 karta.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines