Balita

JRU Bombers, tumibay sa No.3 sa Final Four

-

SELYADO na sa Jose Rizal College ang No.3 spot sa Final Four ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament.

Sumandig ang Heavy Bombers sa opensa nina Cameroonia­n Abdel Poutouochi at Jed Mendoza sa final quarter para maitakas ang 6058 panalo kontra sa naghahabol na San Sebastian College kahapon sa Fil Oil Arena sa San Juan.

Kumubra si Poutouchi ng 10 puntos, tampok ang go-ahead layup sa krusyal na sandali, habang kumana si Mendoza ng 14 puntos para sa ika-10 panalo sa 16 laro ng Jose Rizal.

Sigurado na ang Kalentong-based dribblers sa Final Four at pormal na masusungki­t ang No.3 slot kung maipapanal­o ang laro kontra sa Mapua sa Martes o laban sa Lyceum sa Biyernes.

“The team showed toughness,” sambit ni JRU coach Vergel Meneses. Laglag ang Batang Baste sa 7-8. May pagkakatao­n ang San Sebastian na maipuwersa ang overtime, ngunit sumablay ang undergoal shot ni Michael Calisaan sa buzzer. Nanguna si Calisaan sa Stags sa natipang 15 puntos.

Nauna rito, pinatatag ng San Beda ang kapit sa No.2 spot nang paluhurin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 88-51, para sa 15-1 karta.

Hataw si AC Soberano sa natipang limang three-pointer, habang kumana si Javee Mocon ng 15 puntos, 12 rebounds, tatlong assists,isang steal at isang block at umiskor si Cameroonia­n Donald Tankoua ng 12 puntos, 10 boards at tatlong blocks. Laglag na ang Generals sa 6-10 karta. Iskor: (Unang Laro) San Beda (88) – Soberano 17, Mocon 15, Tankoua 12, Abuda 10, Carino 8, Bolick 6, Tongco 6, Bahio 4, Noah 4, Presbitero 2, Adamos 2, Cabanag 2, Doliguez 0, Oftana 0

EAC (51) – Onwubere 22, Tampoc 8, Garcia 6, Pascua 5, Bugarin 5, Bautista 3, Mendoza I 2, Munsayac 0, Corilla 0, Mendoza J 0, Neri 0, Diego 0 Quartersco­res: 26-11, 40-28, 60-34, 88-51 (Ikalawang Laro) JRU (60) – Grospe 14, Mendoza 14, Teodoro 11, Poutouochi 10, Sawat 6, Dela Virgen 3, Abdul Razak 2, Lasquety 0, David 0

San Sebastian (58) – Calisaan 15, Bulanadi 9, Calma 9, Ilagan 8, David 7, Navarro 3, Costelo 2, Baetiong 2, Capobres 2, Mercado 1, Gayosa 0, Are 0

Quarterscr­es: 22-17, 33-30, 46-45, 60-58

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines