Balita

Tamaraws vs Falcons

-

Mga laro ngayon (MOA Arena) 2 n.h. -- UST vs UE 4 n.g. -- FEU vs Adamson

MASUNGKIT ang solong ikatlong puwesto ang nakatakdan­g pag-agawan ng dalawang second hottest team ngayon na Far Eastern University at Adamson sa penultimat­e day ng first round ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Itataya ng Tamaraws at Falcons ang kani - kanilang three- game winning run sa kanilang pagtutuos ngayong 4:00 ng hapon sa tampok na laban pagkatapos ng unang salpukan ng mga winless squads University of Santo Tomas at University of the East ganap na 2:00 ng hapon.

Kapwa nakamit ng Tamaraws at ng Falcons ang kanilang ikatlong dikit na tagumpay kontra University of the Philippine­s Fighting Maroons, ang una noong Oktubre 1 sa iskor na 78-59 at ang huli noong nakaraang Miyerkules, 73-71 sa pamamagita­n ng follow up shot ni Sean Manganti.

Para sa Falcons kinakailan­gan nilang makapagsim­ula ng maayos at mabigyan ng solusyon ang kanilang mga lapses lalo na sa kanilang defense sa mga susunod nilang laro upang makausad sa Final Four round.

“This game showed us that we can’t have a bad start and have lapses on our defense,” pahayag ni Falcon guard Jerrick Ahanmisi.

Sa kampo ng Tamaraws, focus sila sa kanilang depensa na siyang naging susi sa kanilang panalo kontra UP.

Ayon kay FEU coach Nash Racela, sisikapin nilang maulit ang matagumpay na paglimita sa Maroons ng below 60 points.

Mauuna rito, kapwa hindi pa nananalo matapos ang unang anim na laro,isa sa Tigers at Red Warriors ang magtatapos na may isang panalo.

Aabangang tiyak kung makakaya ni UE forward Alvin Pasaol na ulitin o kaya’y lagpasan ang league record na 49-puntos na kanyang itinala sa kanilang huling talo sa kamay ng defending champion De La Salle Green Archers.

Sa unang laro, magandang matchup ang aabangan sa pagitan nina Tamaraws at Falcons big men Prince Orizu at Papi Sardines gayundin ang tapatan sa pagitan nina Ahanmisi at FEU defense specialist Ron Dennison. Marivic Awitan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines