Balita

Kris, happy sa trabaho at negosyo

- Ni REGGEE BONOAN

MAY

itinatayon­g Jollibee sa may corner ng 13th Avenue at Tuazon Street, Cubao, Quezon City na inakala naming baka kay Kris Aquino dahil nabanggit niya sa amin noon na magbubukas siya nito sa Quezon City pero naghahanap pa siya ng magandang location.

Kaya agad naming tinanong ang kanyang ever loyal personal assistant na si Alvin Gagui kahapon kung kay Kris ang bagong Jollibee na malapit din lang sa kanyang unang pag-aaring branch ng Chow King, sa Alimall. “No po, ‘yung ginagawa sa Tarlac ang branch niya,” sagot ni Alvin. Maya-maya ay tumawag na sa amin ang maalagang assistant ni Kris kaya nangumusta kami, at ikinuwento niya na masayang-masaya ngayon ang mama nina Josh at Bimby dahil abala sa maraming trabaho at negosyo.

Inalam din namin kung saan at anong TV network mapapanood si Kris na una na naming nalaman na may negosasyon­gyong nangyayari.

“Secret pa po, basta abangan na lang,” sagot agot ni Alvin sa amin.

Bukod sa mga binubuksan­g food outlets, abalabala rin daw si Kris sa kanyang video blog na maramimi nang followings at nag-i-enjoy siya rito.

Samantala, napag-alaman namin sa kakilalala naming konektado sa ahensiya na marami paa ring endorsemen­ts si Kris dahil nag-renew w lahat at nalaman nang kahit nagpahinga a sa TV ay hindi naapektuha­n ang sales ng g mga produktong iniendorso niya.

Anyway, kailan kaya matatapos ang Jollibeee branch ni Kris sa Tarlac at magkakaroo­n din kaya siya iya ng TVC nito tulad ng Chow ow King?

 ??  ??
 ??  ?? Kris
Kris

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines