Balita

2 ‘corrupt’ sa Malacañang sinibak ni Digong

- Argyll Cyrus Geducos at Beth Camia

Dalawa pang empleyado ng Malacañang ang nadagdag sa listahan ng mga sinibak ni Pangulong Duterte bilang bahagi ng kampanya ng administra­syon kontra kurapsiyon.

Sa talumpati ng Pangulo sa Pasay City nitong Huwebes ng gabi bago siya umalis patungong Brunei, sinabi niyang ipinagmala­ki ng dalawang kawani ng Malacañang ang impluwensi­ya ng mga ito sa pagsasabin­g “malakas” sila.

“I promised you corruption. I will stop it. I will stop it. I just fired two… two employees from Malacañang for making a tool and suggesting that, you know, they were suggesting,” sabi ni Duterte, bagamat hindi pinangalan­an ang dalawang empleyado.

Binigyang-diin ito ni Duterte sa isang panayam na ipinaskil sa Facebook page ni Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson.

“I even fired [people] today. I signed [a document] firing two people from Malacañang for using their influence,” sinabi ni Duterte sa panayam sa kanya pagdating niya sa Brunei Darussalam para sa 50th Jubilee celebratio­n ng pagkakaluk­lok sa trono ni Sultan Bolkiah.

“Empleyado diyan tapos kung anu-anong pinagsasab­i sa labas, na malakas [sila]. I hate that,” ani Duterte.

Sinabi naman ni Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella na hindi pa maaaring pangalanan ng Office of the Executive Secretary (OES) ang dalawang sinibak na empleyado.

“As per OES, it is premature to release any names any names until concerned parties are properly informed,” saad sa text message ni Abella.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines