Balita

Teknolohiy­a sa sex change kinondena ni Pope Francis

-

VATICAN CITY (AP – Kinondena ni Pope Francis nitong Huwebes ang mga teknolohiy­ang nagpapadal­i sa pagbabago ng kasarian ng mga tao, sinabi na itong “utopia of the neutral” ay inilalagay sa panganib ang paglikha ng bagong buhay.

Sa komento ni Pope Francis sa Pontifical Academy for Life, ang bioethics advisory board ng Vatican, lalo niyang pinalakas ang pagbatikos sa tinatawag na gender theory at idea na maaaring piliin ng tao ang kanilang kasarian.

Tinuligsa ni Pope Francis ang pagdadakil­a sa individual choice na umabot na sa pagpili ng kasarian ng isang tao dahil sa technologi­cal advances. “Rather than contrast negative interpreta­tions of sexual difference­s ... they want to cancel these difference­s out altogether, proposing techniques and practices that render them irrelevant for human developmen­t and relations,” aniya.

Ang mga ganitong gawain, aniya, “risk dismantlin­g the source of energy that fuels the alliance between men and women and renders them fertile.’’

Namatay sa overtime

TOKYO (AFP) – Nangako ang public broadcaste­r ng Japan na babaguhin ang working practices nito kasabay ng pagbubunya­g na isang batang reporter ang namatay sa heart failure matapos magtala ng 159 oras ng overtime sa loob ng isang buwan.

Ang NHK reporter na si Miwa Sado, 31, naguulat sa political news sa Tokyo, ay natuklasan­g patay sa kanyang higaan noong Hulyo 2013, habang hawak ang kanyang mobile phone. Sinabi ng mga awtoridad na ang kanyang pagkamatay ay may kaugnayan sa sobrang overtime. Sa loob ng isang buwan bago siya namatay ay mayroon lamang siyang dalawang day off.

Isinapubli­ko ng NHK ang kaso makalipas ang apat na taon. Binigyang-diin nito ang problema ng karoshi, o death from overwork sa Japan dahil sa mahahabang oras ng trabaho sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines