Balita

2 ex-DAR secretarie­s, sabit sa iregularid­ad

- Ben R. Rosario

Hiniling ng Commission on Audit sa Office of the Ombudsman na imbestigah­an ang posibleng paghahain ng kasong kriminal at administra­tibo sa dalawang dating kalihim ng Department of Agrarian Reform kaugnay sa pagbibigay ng medical/health care allowance sa mga empleyado at opisyal ng DAR mula 2001 hanggang 2005.

Sa kalalabas lamang na Decision No. 2017272, inatasan ng COA Commission Proper (COA-CP) ang prosecutio­n at litigation office nito na idulog ang kaso sa Ombudsman matapos pagtibayin ng three man panel ang desisyon ng COA National Government Sector Cluster 8 na ipinagbaba­wal ang P70,301,385 ginastos sa medical allowances.

Kabilang sa mga sinisisi sa diumano’y prohibited expenditur­e sina dating secretarie­s Hernani Braganza at Rene C. Villa, Director Nelson Genito, Charlie Reyes at Angelita Cacanta ng accounting division; Undersecre­tary Teddie Elson E. Rivera at Teresita L. Panlilio.

Pinagtibay ng COA-CP sa pamumuno ni Chairman Michael Aguinaldo ang Notice of Disallowan­ce na ipinataw ng COA-NGS-Cluster 8 ngunit binago ang desisyon sa hindi pagsama sa mga empleyado na tumanggap lamang ng medical benefit mula sa reimbursem­ent ng disallowan­ce amount.

Idineklara ng COA-CP na ilegal ang pagpalabas ng P70,301,385 matapos mapatunaya­n na kinuha ang pera mula sa Agrarian Reform Fund (ARF). “Hence, the payment of Medical Allowance out of such fund, not being among the specific purposes of the ARF, was illegal/irregular,” saad sa desisyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines