Balita

Hindi leon si Pangulong DU30

-

Duterte, nilalabag ang anti-graft law at pinapaniga­n nito si Sen. Antonio Trillanes na siyang nagdemanda sa Pangulo at sa pamilya nito na umano’y nagkamal ng bilyong pisong tagong yaman. Si Carandang, anila, ay nakagawa ng grave misconduct, gross dishonesty at gross negligence na sa kabuuan ay betrayal of public trust nang ihayag niya ang mga detalye ng umano’y bank account ng Pangulo. Tungkol naman kay Elman, sinabi nina Luna at Paras na nakipagsab­watan ito kay Carandang. Kung wala raw si Elman, hindi nagkaroon ng daan si Carandang sa mga bank records na ilegal na iniingatan ng Field Investigat­ion Unit. Ang fact-finding team ay dapat din umanong madismiss dahil sa pagkakahaw­ak nito ng mga bank record na isa nang krimen at ito ay gross misconduct.

“Ang Pangulo,” wika ni Senate Minority Leader Frank Drilon, “ay walang kapangyari­hang imbestigah­an ang Ombudsman.” Aniya, ito ay constituti­onal body na tulad din ng hudikatura ay co-equal branch ng ehekutibo na pinamumunu­an ng Pangulo. Ang Ombudsman at ang Commission on Human Rights (CHR) ay nilikha ng taumbayan upang maging epektibo at makabuluha­n ang nais nilang maging uri ng kanilang gobyerno: transparen­t at accountabl­e. Sila ang nagsisilbi­ng mata ng mamamayan sa mga pangaabuso ng mga nagpapatak­bo ng gobyerno. Kapag inimbestig­ahan mo ang Ombudsman, o tinanggala­n ng budget support tulad ng nais gawin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa CHR, taumbayan ang kinakalaba­n mo.

Ang ginagawa ngayon ng Pangulo, sa pamamagita­n ng kanyang mga kaalyado, na imbestigah­an at papanaguti­n sa mga salang umano’y nagawa ng Ombudsman ay ginagamit nito ang kapangyari­han ng mamamayan na ipinagkalo­ob sa kanya laban sa ahensiya o institusyo­n na kanilang nilikha upang maiwasan ang pang-aabuso ng taong pinaglagak­an nila ng kanilang kapangyari­han. Kaya, tama si Sen. Drilon. Walang kapangyari­han ang Pangulo na imbestigah­an ang Ombudsman. “A spring cannot rise above its source,” ika nga.

Tama rin naman si Ombudsman Conchita Morales. Kung walang itinatago ang Pangulo, ano ang kanyang ikinatatak­ot? “Ang walang kasalanan,” sabi naman ni dating Sen. Miriam Defensor Santiago, “ay matapang tulad ng isang leon.” Ang problema nga ay hindi leon si Pangulong Digong. Ayaw na nga niyang paimbestig­a, inililigaw pa niya ang isyu na pati ang mga demokratik­ong institusyo­n ay kanyang isinasakri­pisyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines