Balita

Vivo, kabado sa unang sabak sa sex scene sa kapwa lalaki

- Ni REGGEE BONOAN

SINULAT

namin kamakailan na walang manager si Vivo Ouano sa paniniwala noon na gusto lang dyowain ng gay talent managers ang kanilang alaga.

Gusto ng Starstruck alumnus na magkaroon siya ng project dahil sa kakayahan niya bilang aktor at hindi dahil sa manager.

Klinaro ni Vivo na wala siyang trauma sa bading at okay lang din sa kanya ang magpa- sexy kung kinakailan­gan.

Katunayan, sa sex- comedy play na Solo Para Adultos (For Adults Only) ng Red Lantern Production­s, sa direksiyon ni Alejandro ‘Bong’ Ramos, ay gaganap si Vivo bilang masahista at sasabak sa love scenes kasama sina April

Gustilo at John Raspado. Gaano ka-daring ang gagawin niya sa play?

“‘Di ko po kasi alam kay Direk Bong, eh, pero alam ko talagang daring ‘yung mga mangyayari sa play. Hinihintay pa namin, kasi siyempre ngayon ang ginagawa pa lang namin ngayon, panay script ano (reading) lang at panay acting lang muna, wala pa ‘ yung actual na maghuhubad. ‘ Tapos ‘ yung mga bed scene namin ni John ‘tsaka mga scene namin ni April, saka pa yun,” saad ng aktor.

Pumayag si Vivo sa nude scene? “Oo, mayroon. Okay naman na nakaunderw­ear lang, okay lang naman ‘yun, kaya naman iyon.”

Pumayag din siya na may love scene sa kapwa lalaki?

“Oo, mayroon sa lalaki at mayroon din sa babae. Okay lang kasi iwoworksho­p naman ‘yun, eh,” sagot ng aktor na first time itong gagawin kaya aminadong hirap siya.

“Kaya iyon nga ang mahirap, eh. Kaya kapag sa bed scene namin ni John, medyo lagi kaming nagtatawan­an. Kasi ay nakakailan­g, eh. First time ko pa lang ito talaga sa teatro at first ko rin lang maghuhubad, ha-ha-ha! Kasi, naghuhubad ako pero pa- selfie- selfie lang, sa picture lang. Pero iyong ganito hindi pa talaga. kaya medyo nailang din ako, pero kaya naman.

“Ang play namin is very sexy and it’s going to be shown sa Music Museum on October 20, kaya sana ay abangan nila,” kuwento ni Vivo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines