Balita

Heart, pumayag mag-swimsuit sa ‘MKJ’

- Ni NORA CALDERON

ILANG

gabi nang ipinakikit­a ang teaser sa pool showdown nina Heart Evangelist­a at Valeen

Montenegro sa My Korean Jagiya. Excited ang televiwers kung talagang papayag si Heart na mag- appear na nakaswimsu­it. Never pa kasi siyang napanood na nagsuot nito sa previous soaps na ginawa niya sa GMA-7.

Pero confident naman pala at hindi tumanggi si Heart nang sabihin sa kanya ng production na may ganoong eksena. Saka isang black one-piece swimsuit naman ang isusuot niya at gagawin niya iyon kung talagang kailangan.

“Mahal ko ang show namin at magaan ang mga kasama ko kaya naman nakakahiya kung aarte pa ako,” sabi ni Heart. “Nag-promise din kasi ako na dahil iba ang serye namin, gagawin ko kung ano ang ipagagawa nila sa akin.

“Panoorin ninyo ang eksenang iyon dahil hindi naman pa-sexy talaga ang eksena. The truth is matutuwa kayo sa eksenang iyon. As Gia kasi, marami akong gagawin sa character ko na hindi ko pa nagagawa dahil most of my series ay seryoso at drama.”

Dagdag pa ni Heart, nagsisimul­a pa lamang ang love story nila ni Alexander Lee as Jun Ho kaya marami pang aabangang eksena ang mga K-Drama adiks tungkol kina Gia at Jun Ho, tiyak daw na hindi kakalma ang puso ng fans na sumusubayb­ay sa kanila. Pero may isa pang inaabangan sa My Korean Jagiya, ang love triangle nina Janice de

Belen,Raymart Santiago at Ricky Davao. Abangan na lamang this week ang sabong nina Heart at Valeen, na mapapanood after ng Alyas Robin Hood.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines