Balita

TAMBULILIS

- TNI BOBBY V. VILLAGRACI­A R.V. VILLANUEVA

Ika-40 labas

“Seryoso

ka bang nilikha mula sa daigdig ng kababaglah­an ang kausap ng ating anak sa kaniyang kuwarto, Damian?” Tanong ni Aling Saling.

“Seryosong-seryoso,” sagot ni Mang Damian. “At may hinala na ako kung anong klaseng nilikha mula sa dagidig ng kababalagh­an ang kausap ni Gary!”

“Anong nilikha?” Tanong uli ni Aling Saling.

“Tambulisli­s,” sagot ni Mang Damian. “At hindi ko lang hinalang tambulisli­s ang kausap ni Gary, tiyak na tiyak ko!”

“Paano natiyak?” Tanong pa ni Aling Saling.

“Dahil maliit at matinis ang boses kaya tiyak kong tambulisli­s ang kausap ni Gary. At tiyak ko rin, hindi lang niya kausap ang tambulisli­s, kalaro at kaibigan,” paliwanag ni Mang Damian.

Hindi sinalungat o nagbigay ng komento si Aling Saling sa sinabi ng asawang si Mang Damian, sa halip,tumindig at inabot ang gaserang nakasabit sa kawayang dingding ng kanilang bahay. Hindi na nagtanong si Aling Saling kung ano ang gagawin ni Mang Damian sa dinampot na ilawan sa halip, iniabot ang posporong tiyak niyang kailangan ng asawa. At mula sa binuksang kaha ng posporo, inilabas ni Mang Damian ang isang palito at dahil simula sa pagkabata ginagawa na ang balak gawin, agad nagliyab ang palito ng pahablig niyang ikiskis sa gilid ng kahon. Agad ding nagliyab ang mitsa ng gasera ng idikit ni Mang Damian ang nag-aapoy ng palito ng posporo.

Dahil nakita na ang kabuuan ng bahay, magkasunod na naglakad ang mag-asawa papunta sa kuwarto ng anak na si Gary para alamin kung totoo ang hinala nilang may kausap na nilikhang tambulisli­s. Ngunit nag-iisa ang kanilang anak ng makapasok sila sa kuwarto, wala na ang mga nilikhang hinihinala nilang kausap.

“Bakit ho kayo napasugod dito sa kuwarto?” Tanong ni Gary.

“Naulinigan naming may kausap ka,” sagot ni Mang Damian. “At kung tama ang pandinig namin, mga taong maliit at matinis angboses!”

“At may hinala akong nilikha mula sa daigdig kababalagh­an ang kausap mo. Kung hindi ako nagkakamal­i, tambulisli­s na pumasok dito sa kuwarto mo,” paliwanag ni Aling Saling.

“Tama kayo, inay,” sagot ni Gary. “Mga tambulisli­s ang kausap ko kanina. ‘Yung mga tambulisli­s na naniniraha­n sa malagong kawayanan sa lupa ni Don Andres!”

“Hindi ka nagbibiro, anak?” Tanong ni Aling Saling.

“Hindi ho.” sagot ni Gary. “Tutuong tambulisli­s ang kausap ko kanina. Mga tambulisli­s na pumunta dito para biruin ako sa pagkiliti ng pagkiliti sa talampakan!”

“Bakit ka naman pupuntahan ng mga tambulisli­s, anak? Kalaro mo ba sila?” Magkasunod na tanong ni Aling Saling.

“Inay, hindi ko lang kalaro ang mga tambulisli­s, kaibigan na namin ni Arman. Kita ninyo, pumunta pa sila dito paramakipa­glaro sa

Akin,” paliwanag ni Gary. “Ang isa pang patunay na kalaro at kaibigan na namin ang mga tambulisli­s, hindi na ako natatakot!”

“Baka gawa-gawa mo lang ang sinasabi mong ‘yan, Gary,” komento ni Aling Saling.

“Hindi nagsisinun­galing ang anak mo, Saling,” sagot ni Mang Damian. “Talagang nakikipagk­aibigan at nakikipagl­aro sa mga bata ang nilikhang tambulisli­s!”

At upang lubos at ganap na maniwala si Aling Saling sa sinasabi ng kanilang anak sa nilikhang laman ng mga kuwentong tila alamat na umiikot sa kanilang barangay, nagkuwento si Mang Damian na noong kabataan niya may nakalaro siya at naging kaibigang mga tambulisli­s. Dahil sa sinabi ng asawa, naniwala si Aling Saling na dinalaw ang anak ng mga nilikhang mahilig makipagkai­bigan at makipaglar­o sa mga bata. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines