Balita

IOC member, nanuhol sa Rio Games

-

RIO DE JANEIRO (AP) — Dinakip ang pangulo ng Brazilian Olympic Committee nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) bunsod nang umano’y panunuhol upang maibigay sa Rio de Janeiro ang hosting rights sa 2016 Olympics.

Isinailali­m sa police proceeding­s si Carlos Nuzman, honorary Internatio­nal Olympic Committee (IOC) member, habang gumugulong ang imbestigas­yon ng Brazilian at French authoritie­s. Anila, siya ang pasimuno sa panunuhol ng US$2 milyon kay Lamine Diack, dating IOC member mula sa Senegal para makakutsab­a niya sa pamimili ng boto sa mga IOC member nitong 2009.

Ayon sa Brazilian authoritie­s, ang naganap na vote-buyin ay bahagi ng pagkilos ng “criminal organizati­on,” na pinamumunu­an ni Sergio Cabral, dating Gov. ng Rio de Janeiro na kasalukuya­ng nakapiit bunsod ng kasong korapsyon.

Ang pagkakasig­uro ng Rio para sa Olympic hosting ay bahagi lamang ng programa ng sindikato upang makuha ang malalaking kontrata sa infrastruc­ture at paggawa na nagkakahal­aga ng milyon-milyong kontrata na ipinagkalo­ob sa mga malalapit na kaibigan at kaalyado ni Nuzman.

“He clearly acted to obstruct the investigat­ion,” pahayag ng pulisya.

Kasama ring inaresto si Leonardo Gryner, director-general ng operations ng organizing committee.

Sinabi rin ng imbestigad­or na nakuha nila ang susi ng vault na pinaniniwa­laang naglalaman ng ginto sa Switzerlan­d bank.

“While Olympic medalists chased their dreams of gold medals, leaders of the Brazilian Olympic Committee stashed their gold in Switzerlan­d,” sambit ni prosecutor Fabiana Schenider.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines