Balita

KASADO NA!

Hinaing ng NSAs, ipinasa sa POC; grupo ni Cantada tuloy ang laban

- NI EDWIN G. ROLLON

TULOY ang laban ng grupong nagnanais ng pagbabago sa Philippine Olympic Committee (POC), habang isinumite ng grupo ng mga National Sports Associatio­n (NSA) ang resolusyon na himihinge ng reporma sa by-laws and constituti­on ng Olympic body.

Sinabi ni dating Senador Nikkie Coseteng na magpapatul­oy ang kanilang panawagan sa pagbaba sa puwesto ni Jose ‘Peping’ Cojuangco bilang pangulo ng POC upang tuluyang maisaayos ang takbo ng sports sa bansa.

“Malaki ang pananaguta­n ni Mr. Cojuangco sa mababang kalidad ng sports sa bansa. Wala kaming nakikitang paraan para maisaayos ito kundi ang siya ay mapalitan sa puwesto,” pahayag ni Coseteng.

“Hindi naman tayo siguro nagkukulan­g sa mahuhusay na sports leaders. Marami ang puwedeng pumalit sa kanya na tiyak na magbibigay ng maayos na pamamalaka­d sa POC,” aniya.

Ipinag-kibit balikat naman ito ni Cojuangco at sinabing sasagutin niya ang anumang akusasyon sa kanya sa tamang lugar.

“Lumang isyu na ang mga ‘yan. Kung may nakikita silang pagkukulan­g ko mag-file sila ng reklamo sa proper forum at doon ko sila sasagutin,” pahayag ni Cojuangco.

May kabuuang 19 NSA opisyal ang naunang nagpulong at naglahad ng kanilang opinyon hingil sa dapat gawin para mapagisa ang POC at ang Philippine Sports Commission (PSC).

Ngunit, hindi kumbinsido rito ang grupo ni Coseteng.

“pakitang tao lang yun. Yung gusto nilang mangyari ay malambot na pamamaraan. Ang problema si Mr. Cojuangco dahil siya ang gumulo sa Philippine Sports. Kung nagsagawa sila ng vote of no confidence laban kay Mr. Cojuangco, maniwala pa kami,” sambit ni Susan Papa ng Philippine Swimming League.

Nagsagawa ng General Asembly meeting ang POC kahapon sa Century Park Hotel kung saan tinalakay umano ang mga hinaing ng NSAs. Ngunit, wala pang pormal na pahayag ang POC.

Sa kasalukuya­n, nagkakaisa ang grupo nina Coseteng, Papa at Philippine Volleyball Federation (PVF) president Boy Cantada na labanan ang anila’t panunupil ni Cojuangco sa sports.

“Hindi lang swimming at volleyball ang ginulo ni Mr. Cojuangco. Andyan ang bowling, badminton, dragon boat at table tennis,” pahayag ni Cantada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines