Balita

‘GREEN BOOK’

Hanggang 15 govs, mayors nasa drug matrix ng sumukong mayor

- Nina FER TABOY at JUN FABON May ulat ni Joseph Jubelag

Inihayag kahapon ni Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) DirectorGe­neral Aaron Aquino na umaabot sa 15 gobernador, alkalde, at prominente­ng negosyante ang nasa drug matrix ng sumukong si Maasim, Sarangani Mayor Anecito Lopez, Jr.

Kasalukuya­ng nasa kustodiya ng PDEA-Region 12 si Lopez makaraang sumuko kay Senator Manny Pacquiao nitong Biyernes ng tanghali ilang oras makaraang salakayin ng PDEA ang bahay nito sa Barangay Lumasal, Maasim.

Nakasamsam ang mga awtoridad ng isang kilong shabu, na nagkakahal­aga ng P5 milyon; 100 tableta ng ecstasy, dalawang rifle grenade launcher, dalawang granada, dalawang .45 caliber Colt pistol, at kagamitan sa isang umano’y mini drug laboratory.

Ayon kay Aquino, bawat pangalan sa listahan ni Lopez ay may nakalagay na halaga ng transaksiy­on ng umano’y ilegal na droga.

“Mayroong mga mayors, governors doon sa listahan. Mayroon ding mga prominent businessme­n. There are about mga—kung hindi ako nagkakamal­i—mga between 10 to 15 ‘yung mga tao na nandun sa listahan with correspond­ing amount na nakalagay in millions,” pahayag ni Aquino.

Sinabi pa ni Aquino na nabatid na malawak ang drugs operation ni Mayor Lopez sa bansa, batay sa kanilang impormasyo­n, na nagsimula sa Batangas, hanggang sa Caticlan, Cagayan de Oro, Ozamiz City at Sarangani.

Inihayag pa ni Aquino ang pagkakaugn­ay ni Mayor Lopez kay Herbert Colangco, na nakapiit sa National Bilibid Prisons; at sa mga napaslang na alkalde na sina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog; at Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Samantala, ipinag-utos naman ni Police Regional Office (PRO)12 director Chief Supt. Cedrick Train ang pagsibak sa puwesto kay Maasim Police chief Senior Insp. Canieso Golwingan sa kabiguang masawata ang ilegal na droga ni Mayor Lopez.

Pinalitan si Golwingan ni Senior Insp. Nemesio Calipjo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines